Kahit walang shows… KYLIE, PALDUNG-PALDO, REYNA NG TIKTOK

ni Julie Bonifacio @Winner | October 9, 2026

Photo: FB Kylie Padilla
Winner si Kylie Padilla, hindi lang isa kundi sa anim na kompetisyon na sinalihan niya sa TikTok (TT). Ang pagla-live ang sobrang pinagkakaabalahan ng aktres for the longest time.
May mga netizens na nagsasabing si Kylie ang ‘Reyna ng TikTok’ ngayon.
Paldung-paldo tiyak si Kylie sa pagkakapanalo niya. Ang laki kaya ng premyo sa isang puksaan sa TikTok.
What more, ‘yung anim ang napanalunang titulo ni Kylie, huh?
No wonder, afford na afford na ni Kylie ang mag-share ng blessing out of her own money.
Ang premyo raw ni Kylie sa TikTok ang ginagamit niya sa ipinamumudmod niyang ayuda sa mga kababayan natin na naging biktima ng mga kalamidad.
But unlike other politicians and celebrities, tahimik lang itong ginagawa ng aktres.
At kung wala ring masyadong ganap sa kanyang career and love life, umaariba naman si Kylie sa pakikipagpuksaan niya sa TT.
Ipinost ni Kylie sa Instagram (IG) ang mga kompetisyong sinalihan niya.
Sey ni Kylie, “Meanwhile in the TIKTOK world, something amazing happened. Thank you to every single one of you.”
Umani ng pagbati ang aktres sa kanyang mga followers:
“The PK TikTok Queen of the Philippines!!!”
“‘Di biro ‘to, grabe ang umuulan ng gifts, tap tapers warriors walang pahinga.”
“Ibang klase ka talaga, chief... Congratulations!”
“Very amazing.”
“Favor, Miss Kylie, sana ay live naman kayong apat na magkasama araw-araw. Sa live po kayo ni Ethan, Jhony, Seung, especially you, Ms. Kylie... congrats all of you.”
Waging-wagi talaga si Kylie!
Magkapatawaran na raw…
SEY NI JOJO: DENNIS, ‘WAG NANG PATULAN SI PATRICK
NAGBIGAY ng kanyang opinyon ang Revival King na si Jojo Mendrez sa kontrobersiya nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Patrick Garcia.
Para kay Jojo, nakakalungkot ang isyung kinasasangkutan ng tatlong celebrities.
Pahayag ni Jojo, “Alam mo, dapat ‘pag may mga ganyang konting isyu, you just ignore it, ‘di ba? Life is short. At saka, alam mo na, eh. Kung merong imperfections sa buhay mo, meron kang nagawang... I think, ‘di naman pagkakamali.
“Kung meron kang nagawang ganyang klase na meron ka nang anak noon, alam mo na ‘yung mga consequences na possible na maaaring pag-usapan, lalo na kung celebrity ka. So dapat, ready ka.
“Ang importante, nandu’n ‘yung support mo, pagmamahal sa puso mo du’n talaga sa iyong mga anak at pagiging responsableng tao.”
Wala raw siyang pinapaboran sa pagitan nina Jennylyn, Dennis at Patrick.
“Ang sa ‘kin lang, tigilan na nila, ‘di ba? Tama na kasi dumadami ‘yung mga taong nasasaktan at naaapektuhan. Bahagi na ‘yun ng nakaraan, ‘di ba?” dagdag ni Jojo.
May mensahe si Jojo para kina Dennis at Patrick.
Sabi niya, “Kay Patrick, kung ano ‘yung nararamdaman mo, sarilinin mo na lang.
Ganu’n lang naman ‘yun. At saka, s’yempre, malalaki na ‘yung mga anak at naapektuhan. So whatever difference you have, mag-move on na. Magkapatawaran na’t may kani-kanya na kayong buhay.
“Kay Dennis, ganu’n din. ‘Wag mo nang patulan. S’yempre, habang pinapatulan mo ang isang bagay, lalo lang ‘yan lalaki, ‘di ba?”
Payo ni Jojo sa kanila, “Ang importante, mag-ipon ng tubig. Kasi, may super El Niño.”
Bilang paghahanda ay bumili na raw ng isang bahay ng tubig si Jojo.
“Sa sobrang takot ko, bumili ako ng more than 1,000 boxes na tubig at apat na generators para sa mga bahay ko. Ganu’n ako ka-prepared,” saad pa ni Jojo.
Kumpleto na rin daw ang mga gamot hanggang sa susunod na anim na buwan.
Ikaw na talaga ang super prepared, Jojo!





Comments