top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

ONEMIG, ‘DI ORIG NA NAG-PROPOSE KAY AIKO SA SEMENTERYO

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 9, 2026



TEKA NGA - ONEMIG, ‘DI ORIG NA NAG-PROPOSE KAY AIKO SA SEMENTERYO_YT Onemig Bondoc

Photo: YT Onemig Bondoc



May naaalala kaming young actress sa ginawang pagpo-propose ni Onemig Bondoc kay Aiko Melendez sa puntod mismo ng ama nitong si Jimi Melendez.


Ganito rin kasi ang ginawa ng isang rich millionaire businessman nang matipuhan ang isang 15-year-old young actress.


Dahil alam ni rich businessman na papa’s girl ang dalaga, nagpunta ito sa puntod ng ama nito at doon humingi ng permiso na ligawan ang maganda at tisay na aktres.


Siyempre, effective ang style na ginawa ng rich businessman. Kaya napaibig niya ito at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki. 


Pero hindi napakasalan ang young actress dahil pamilyado na ang rich businessman at marami rin siyang chicks.


Ganunpaman, suportado ni rich businessman ang young actress at binigyan ng sariling bahay.


Kalaunan ay nakatagpo rin ang aktres ng lalaking nagmahal sa kanya at siya ay pinakasalan.


Masaya na silang namumuhay ngayon abroad.





Jersey, idinoneyt ng madir…

RENE BATERBONIA, PAGAGAWAN NG REBULTO NI BOSS TOYO PARA SA MUSEUM



Habang abala si BB Gandanghari sa shooting ng bioflick ng yumaong Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia, ang Pinoy Pawnstar na si Boss Toyo ay magpapagawa naman ng rebulto o wax figure ng yumaong basketbolista.


Ito ay ilalagay sa ipinapagawang museum ng vlogger kung saan naroroon ang mga showbiz memorabilia na kanyang binili at naipon.


Isa pa, labis na natuwa at nagpapasalamat si Boss Toyo kay Mommy Rovelyn Baterbonia dahil binigyan siya ng ginamit na jersey ng kanyang anak na si Rene sa isang laro niya noon sa Ateneo de Davao.


Hindi raw nagpabayad si Mommy Rovelyn sa jersey na ibinigay niya kay Boss Toyo upang i-display sa museum.


Gusto ng nanay ni Rene na may makitang alaala ng kanyang yumaong anak para sa mga tagahanga niya sa Luzon at hindi na kailangang dumayo pa sa kanilang lugar sa Agusan del Sur.


Ipapa-frame raw ni Boss Toyo ang jersey ni Rene. Tiyak na isa ito sa mga magiging atraksiyon sa museum ng vlogger.





BUMIYAHE pa-Las Vegas, USA ang ilang Kapuso Sparkle artists sa pangunguna nina Alden Richards, Ai Ai delas Alas, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Jr., at Boobay & Tekla!


Maghahatid sila ng saya sa ating mga kababayan sa Las Vegas, USA mula October 9 hanggang October 11.


Bago pa lumipad pa-Las Vegas si Alden, tinapos muna niya ang kanyang commitment sa FUN RIDE PH.


Isa ito sa mga advocacy ng aktor upang maimulat sa kapwa Pinoy ang physical at mental health benefits ng pagbibisikleta.


Ang cycling ang naging outlet ni Alden kapag nakakaranas siya ng stress at depression. Dito nare-recharge ang kanyang lakas at sumisiglang muli.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page