- BULGAR
- 15 hours ago
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 30, 2025
Photo: Willie Revillame - Wil To Win
Samantala, kundi pa kami itinext ng aming kaibigan na si Robert Castañeda ay hindi pa namin malalaman na unang namatay ang mommy dearest ni Kuya Wil a.k.a. Willie Revillame kesa kina Pilita Corrales at Nora Aunor.
“Noong April 1 , 2025 namatay ang mother ni Willie. Agad na ipina-cremate kaya walang burol na naganap kasi agad na iniuwi sa Tarlac ang mga abo ng nanay niya ng kanyang mga half siblings.
"Nagtataka nga kami kung bakit walang wake para makipag-condolence at makiramay.
“‘Di rin pala s’ya nagpunta sa wake ni Ate Guy. Pero sa certain Gaita Forex daw, nagbabad ito sa wake, sabi ng isa niyang kaibigan sa ‘kin.
"Kung alam lang ng maraming kaibigan ni Willie, at least nakiramay sana ang mga kaibigan n’ya,” pagtatapos ng chat ni Robert kay yours truly.
Anyway, huli man daw at magaling ay taos-puso kaming nakikiramay kay Kuya Wil sa pagyao ng kanyang mother dearest.
May she rest in peace sa kingdom of our heavenly father Lord God Jesus Christ.
Amen!
Bongga ang casting ng Totoy Bato serye ng TV5 na isa sa mga obrang nobela noon ng iconic novelist-cum director na si Carlo J. Caparas. Muling bubuhayin ng Kapatid Network sa kanilang primetime slot ang Totoy Bato simula sa May 5, 2025, at 7:15 PM.
Hindi pa man natatapos ang Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa (LKSL) na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, kasado na ang ipapalit sa time slot nito na ang guwapong anak pa rin ni Gary Estrada ang bibida.
Si the late Fernando Poe, Jr. ang gumanap na Totoy Bato noon sa pelikula, habang si Robin Padilla naman ang nagbida sa TV remake nito sa GMA-7.
Kaya ang bongga ni Kiko, sa kanya ipinagkatiwala ang Totoy Bato kung saan gaganap siya bilang boksingero at ‘di basta lover boy lang, ha?
Makakasama sa powerhouse cast ng TB sina Bea Binene bilang si Emerald Espejo, ang kababata ni Totoy na may lihim na buhay bilang isang agent, at Diego Loyzaga bilang si Dwayne Perez, isa pang kababata na naging mortal na kaaway.
Tampok din sa serye ang hanay ng mga tanyag na beteranong artista tulad nina Art Acuña, Nonie Buencamino, Mon Confiado, Mark Anthony Fernandez at Ms. Eula Valdez.
May mga espesyal na pagganap din sina Joko Diaz, Tanya Garcia, Carlene Aguilar, Kean Cipriano, at Ms. Jackie Lou Blanco.
Sina Cindy Miranda, Gold Aceron, Ivan Padilla, Andrew Muhlach, Billy Villeta, Benz Sangalang, at Lester Llansang naman ang kukumpleto sa cast sa kanilang pagganap sa mga natatanging karakter.
Sa direksiyon ng LKSL director na si Albert Langitan, at sa produksiyon ng MavenPro, Sari-Sari Network Inc. at Studio Viva, ang TB ay muling matutunghayan sa TV5 para itampok ang kuwento ng isang bayaning Pilipino – walang mga superpowers, walang armas, kundi ang malakas na “tibay ng paninindigan.”
Huwag palampasin ang premiere ng Totoy Bato ngayong Mayo 5, 2025 – subaybayan mula Lunes hanggang Biyernes, 7:15 PM sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5 pagkatapos ng Frontline Pilipinas.