Clinic ni Doc Yappy, ipinatigil ng DOLE

ni Mervin Reyes @News | October 9, 2026

Photo: Doc Yappy - The ICON Clinic
Nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng work stoppage order laban sa The Icon Clinic ni Dr. Eric “Yappy” Yapjuangco noong Oktubre 7 dahil sa mga isyu sa kaligtasan at operating standards nito.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, inilabas ang kautusan sa gitna ng iba't ibang kasong inihain laban sa klinika.
Kinuwestiyon naman ng abogado ng klinika ang batayan ng kautusan. Gayunman, sinabi ni Atty. Roberto Concepcion, kinatawan ng clinic, na pinayuhan niya si Dr. Yappy na sumunod sa kautusan.
Pormal din siyang humiling ng reconsideration, dahil dapat, aniya, mabigyan ang klinika ng pagkakataong maiharap ang panig nito.
Binigyan ng DOLE ng 10 araw ang kampo ng klinika upang magsumite ng memorandum kaugnay ng kautusan.
“A permit to operate does not guarantee immunity from accountability,” giit ni Tolentino.





Comments