top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 17, 2025


Photo File: Kathryn Bernardo - IG



Matapos pagpiyestahan ang edited photo nina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala na magkasama sa airport at diumano'y papuntang Australia, nakabantay ang mga fans at netizens sa bawat maipo-post na photos ng aktres habang nagbabakasyon dahil hindi sila naniniwalang walang kasama si Kath.


At nakakatawa ang mga netizens na akala mo ay hired investigators dahil talagang pati background ng kinaroroonan ni Kath ay binabantayan.


Tulad na lang ng photo niya habang nasa apartment at tila nagkakape. May ilang nag-speculate na kasama niya si Mayor Mark dahil dalawa raw ang baso sa mesa, although scented candle naman ang tingin namin du'n.


Samantala, may close kay Kathryn ang nagsabing kaya inaayawan ng mga fans ang alkalde para sa aktres ay dahil sa kumalat na photo nito sa socmed kung saan kasama nito ang ilang sabungero-businessman na inaakusahan daw na may kinalaman sa mga missing sabungeros.


Luh, may ganern?!



NA-MEET namin ang vocalist ng Five Fingers Band na si Jack Medina at napanood din namin siyang nag-perform nang live ng kantang kanyang isinulat, ang Sapantaha at Aminin Mo Na.


Matagal na palang naggi-gig sa iba't ibang bars si Jack bago siya na-discover ng manager niyang si Roly Halagao na nagbigay sa kanya ng break para makapagtayo ng banda.


Nakitaan ni Sir Roly ng potensiyal si Jack  na guwapo na ay magaling pang tumugtog ng gitara, bukod sa malamig na boses nito.





Idol pala ni Jack si JK Labajo at ang mga songs nito ang kanyang paboritong kantahin noon sa mga gigs. Kung mabibigyan ng chance ay gusto rin niyang maka-collab si JK.


OFW ang nanay ni Jack at ayaw na nga sana niyang mag-work pa ito abroad kaya nagsisikap siyang maging matagumpay sa kanyang career as a singer and puwede rin daw siyang umarte if may offer.


Ang showbiz crush naman daw ni Jack Medina ay si Andrea Brillantes, pero hanggang paghanga lang daw muna siya kahit pa 25 yrs. old na siya dahil mas priority niya ang kanyang singing career at magkaroon ng hit single.


Thankful si Jack kay Sir Roly na nagpu-push sa kanya na i-achieve ang mga pangarap niya at todo-suporta sa Five Fingers kahit kung saan-saan pang bars at shows nagpe-perform.


Well, released na ang Sapantaha and Aminin Mo Na under DNA Music of Star Music. Available na ito sa lahat ng social media platforms like YouTube (YT), Spotify, iTunes, Apple, etc. kaya i-download n'yo na at baka maging theme song pa ito ng love story n'yo.


Samantala, ang tatlong kasamahan ni Jack sa Five Fingers ay sina Lance Kerwin Fajardo (drummer), Paul Anthony Acuin (lead guitarist), at Josh Christian “JC” Vicente (bassist). 


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 17, 2025



Photo File: Martin Nievera - IG



Tatlo na lang ngayon ang natitira sa grupong The OPM Hitmakers matapos pumanaw sina Rico J. Puno at Hajji Alejandro.


Kaya sa mediacon last Tuesday para sa first major solo concert ng OPM icon na si Marco Sison, ang Seasons of OPM which will happen on July 25, 8 PM at The Theater at Solaire, natanong namin ang singer kung may balak ba silang tatlo nina Rey Valera at Nonoy Zuñiga na magdagdag ng bagong miyembro sa grupo bilang kapalit ng dalawang nawala.


“Ang hirap namang maghanap ng kapalit sa dalawa. Wala na sigurong ipapalit du'n. So napagkasunduan namin na kami na lang, itutuloy na lang namin,” seryosong pahayag ni Marco Sison.


Instead, mag-i-invite na lang daw sila ng mga female singers tulad nina Pops Fernandez, Kuh Ledesma, Vina Morales at Lani Misalucha kung sakaling magkakaroon uli ng concert ang OPM Hitmakers.


But for now, solo muna ni Marco ang Seasons of OPM bilang tribute raw niya sa musikang Pinoy kaya special guests lang muna niya sina Rey at Nonoy.


At bongga naman ang kanyang first major solo concert dahil special guests din at pumayag agad-agad sina Martin Nievera at Vice Ganda nang hindi nila pinag-usapan ang talent fee.


Puring-puri nga ni Marco ang kabaitan ni Martin na bagama't matagal na raw niyang kaibigan, ngayon pa lang sila magsasama sa isang show dahil magkaiba nga ang genre nila.


At nang imbitahan nga raw niya si Martin, ang Concert King pa ang gumawa ng magiging script sa duet nila sa Seasons of OPM, bukod sa ayaw daw nitong magbigay ng presyo ng talent fee kaya tuwang-tuwa at very grateful si Marco.


Si Vice Ganda naman daw, ito mismo ang nagsabing magge-guest kapag nagkaroon nga si Marco Sison ng solo concert dahil natuwa raw si Vice nang minsang maging hurado sa Tawag ng Tanghalan ang icon singer.


At siguro naman, hindi magiging issue kay Concert King kung si Vice Ganda ang finale sa 4 na guests ni Marco Sison sa Seasons of OPM dahil knowing Martin na very down-to-earth despite his title in the music industry at walang kahit ni katiting na insecurity sa katawan, kahit saan pang segment ng show siya ilagay ay okay lang sa kanya.


Anyway, dahil tribute nga ni Marco Sison sa OPM ang Seasons of OPM, hindi lang ang mga super hit songs niyang My Love Will See You Through, Si Aida o Si Lorna o Si Fe, Always at Make Believe ang kakantahin niya kundi pati ang mga sikat na kanta ngayon ng mga GenZ tulad ng Pasilyo ng SunKissed Lola at Habang Buhay ni Zack Tabudlo na ilan lang daw sa mga naa-appreciate at paborito niyang kanta ng present generation.


Well, under the musical direction of Louie Ocampo and concert director Calvin Neria, tiyak na hindi maiiwasang mag-throwback at kiligin ng mga manonood kapag hinarana na sila ni Marco Sison na after 45 yrs. sa music industry, hindi pa rin nagbabago ang brilyo ng boses sa pagkanta.


In fact, nang mag-acapella ito sa harap ng press people, akala namin ay recording ang pinakikinggan namin.


Kaya sa mahihilig sa OPM, buy your tickets now, don't wait for another ‘season’ at baka maubusan na kayo. 

Paaak!!!


ANOTHER singer-performer na impressive para sa amin ay ang bandang InnerVoices na first time naming napanood ang live performance sa Hard Rock Cafe sa Makati last week.


Tunog-Introvoyz at After Image ang choice of songs ng InnerVoices na ang lead vocalist ay si Patrick Marcelino, na siya ring pinakabago at youngest sa group with 6 members.


Actually, si Atty. Rey Bergado talaga ang founder, leader at orig sa grupo na ang goal ay makagawa sila ng sarili nilang song na maghi-hit at patuloy silang makapag-perform-makapag-gig sa iba't ibang resto bars around Metro Manila nang sa gayon ay makapag-contribute ng happy memories and relaxation sa mga customers na ang gusto siyempre ay chill and relaxed lang habang kumakain, umiinom at nag-e-enjoy sa good music.


Kuwento nga sa amin ni Atty. Rey, 34 yrs. na ang InnerVoices at ilang beses na silang nagpahinga-bumalik and hopefully this time raw ay tuluy-tuloy na lalo't nakita niya rin ang passion and dedication ng vocalist na si Patrick, gayundin ng iba pang datihan nang members ng grupo.


Anyway, narinig namin ang orig song ng InnerVoices that night na Sayaw sa Ilalim ng Buwan at ang only upbeat track nilang Galaw and we'd say na nakaka-LSS siya lalo't maganda ang boses ni Patrick at maeengganyo kang sumabay.


Bukod sa 2 songs na ‘yan, kasama sa fresh batch of new songs ng InnerVoices ang THAL (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Meant to Be, Idlip, Saksi Ang Mga Tala at Handa na Kitang Mahalin.


Ang mga bumubuo sa InnerVoices ay sina Patrick Marcelino (vocalist), Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon (bassist), Joseph Cruz (keyboardist), Joseph Esparago (percussionist) at Rey Bergado (founder at band leader.)

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 14, 2025



Photo File: Jessy Mendiola - IG



Ine-enjoy ni Jessy Mendiola-Manzano ang pagbabalik-showbiz bilang isa sa cast ng Kapamilya seryeng Sins of The Father na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Pero “One at a time” ang sagot ni Jessy nang matanong kung gagawa na rin ba uli siya ng movie.


Bagama't happy kasi siya na nabigyan uli ng opportunity na umarte sa TV, malinaw sa kanya na ang mag-ama niyang sina Luis Manzano at Isabella Rose a.k.a. Peanut pa rin ang top priority niya at ayaw niyang mawalan ng time sa mga ito kaya hinay-hinay lang muna siya.


Though inamin din ni Jessy na pangarap niyang makagawa ng sitcom kasama sina Luis, Peanut at ang kanyang napakabait na biyenang si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto. Sana raw ay magkaroon ng offer at time si Gov. Vi —- na nagbabalik sa paglilingkod sa Batangas —- para matuloy ang dream sitcom niya.


Inamin din ni Jessy na kung dati ay naipagluluto pa niya si Luis ng mga paborito nitong pagkain, dahil sa busy schedule ngayon ng seksing aktres ay wala na siyang time.


Naiintindihan naman daw ni Luis ‘yun at hindi demanding ang kanyang mister.

Ang gustung-gusto lang talagang mangyari ni Luis ngayon ay masundan na si Peanut. 

Kaya natanong namin si Jessy kung handa ba siyang iwan uli ang showbiz sakaling mabuntis siya sa second child nila ni Luis.


Nakangiting sagot niya, kahit naman daw preggy na siya ay kaya pa rin niyang mag-taping, ‘wag lang action scenes. 


Ohhh, mukhang hindi maselan magbuntis si Jessy, ha?


By the way nga pala, soon ay mapapanood na raw ang first TV commercial ni Peanut kung saan kasama ang kanyang mommy at daddy, kaya for sure, maging si Ate Vi ay super excited nang mapanood ang kanyang super cute at charming na apo na kamukhang-kamukha niya!



INI-ANNOUNCE na last July 5 ng pamunuan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc.’s (FFCCCII) ang tatlong napili para sa kanilang TikTok video competition in celebration para sa 50 yrs. friendship ng Pilipinas at China na naglalayong palakasin ang economic cooperation ng dalawang bansa. 


Taga-Tagum City na si Mark Capareda ang nag-uwi ng P100 thou prize para sa kanyang TikTok video na nagpapakita kung paano niya ipininta ang isang art piece na nagbibigay-tribute sa magandang relasyon ng mga Pilipino at Chinese.

Fifty thousand pesos naman ang naiuwi ng 2nd placer na si Emmanuel Labrador from Navotas na nag-compose ng song na sumentro sa 5 dekada ng diplomacy, trade and camaraderie ng dalawang bansa.


Habang ang 3rd placer na si Richard Samulde from South Cotabato ang nag-uwi ng P30 thousand para sa kanyang heartwarming narrative ng cross-cultural friendship na talagang naka-touch sa mga manonood.


Bukod sa tatlo, may mga nag-uwi rin ng special awards.


Ang nasabing Tiktok video competition ang unang project ng bagong upong FFCCCII president na si Mr. Victor Lim na siyempre pa ay present sa event kasama ang iba pang opisyal at miyembro ng organisasyon.


“We have challenges too but they must not define the relations between our nation,” sabi ni Mr. Lim. 


“Let us look beyond our differences, and celebrate what binds us: a shared future for all,” dagdag pa niya.


At dahil sa tagumpay nito, ini-announce na rin ng FFCCCII ang bagong Tiktok video competition na September 30, 2025 ang deadline. Ang theme ay “Local Chinese community's contributions to Philippine economic progress and philanthropy,” na ang ibang details ay ia-announce sa FFCCCII Facebook, IG and Tiktok accounts.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page