'Yun lang daw ang mahirap… JANICE, UMAMING NAG-IBA ANG RELASYON NILA NI GERALD MULA NANG KUMALAT
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 19, 2021

'Kaaliw panoorin ang guesting ni Janice de Belen sa Magandang Buhay nitong Lunes, Mayo 17, dahil ang topic ay magbabanggit ang mga hosts ng pangalan ng aktor na ikukumpara naman ng aktres sa mga pagkain.
Naunang binanggit sina Paulo Avelino, Daniel Padilla, Korean actor na si Kim Soo Hyun na bumida sa K-drama na My Love from the Star at It’s Okay Not to Be Okay, Soong Joong Ki ng Descendants of the Sun at Vincenzo, Gerald Anderson, Aga Muhlach at John Estrada.
Tumatak sa amin ang kuwento ni Janice tungkol kay Gerald dahil nu’ng panahong natsismis sila nu'ng 2015, siya ang itinuturong dahilan kung bakit nahiwalay ang aktor kay Maja Salvador.
Nagkasama sina Janice at Gerald sa seryeng Budoy noong 2012 at pagkatapos ay saka umingay na nagkaroon sila ng relasyon.
Ikinumpara ni Janice ang aktor sa bangus.
“Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus, kaya lang matinik,” natawang sambit nito kaya nagkatawanan din ang MB hosts na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada.
Ang paliwanag ni Janice, “Matinik kasi parang ang daming isyu. Like me, for example. Hindi ba na-link kami for a while? Wala naman talagang ili-link.
“It’s just that for the longest time that we worked together at kahit na nu’ng hindi kami nagwo-work together, he is really like a brother to me.
“Super brother ang tingin ko sa kanya. Brother, barkada, kasi napagkukuwentuhan namin ang kahit ano.
“I share the same kind of friendship with Enchong (Dee), with Rayver (Cruz). So, I share the same kind of friendship. So, non-issue siya, but hindi ko alam kung bakit naging issue.
“And you know the thing is, ang hirap sa trabaho natin kasi kapag natsismis ka na, na-link ka ng ganyan, whether you like it or not, totoo o hindi, it destroys friendship. Hindi naman destroyed ang friendship namin but our friendship has changed.”
'Kaaliw din kung kanino inihambing ni Janice si Coco, “Siguro, tapang kalabaw. ‘Yun ang ginagamit pang-araro (kalabaw), so matibay!”
At si Daniel, “Alam n’yo si Daniel, hindi ko pa siya nakakasama nang matagal. Nakikita ko lang siya kapag may mga showbiz gatherings, so kapag nakikita ko siya, nagha-hi siya, bumabati siya, pero never ko pa siyang naka-work o nakasama.
“So, ang iisipin kong pagkain sa kanya ay something na hindi ko pa natitikman, veal!
“Veal, siya ‘yung batang baka. Karne ng batang baka. Sabi nila, mabait din daw si Daniel, sabi nila,” nakangiting sabi ni Janice.





Comments