ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 3, 2024
Photo: Kris Aquino - IG
December na, pero walang indikasyon na matutuloy ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino na una niyang ibinalita nang bumalik siya sa Pilipinas.
Due to health reasons, hindi kakayanin ni Kristeta ang pressure sa muli niyang paghawak ng isang TV show, lalo na kung daily ito.
Gustung-gusto ng isip ni Kris ang makabalik sa pagho-host ng isang show, pero bumibigay ang kanyang katawan at hindi pa siya ganap na magaling.
Kaya ang payo ng kanyang mga kaibigan, fans at supporters ay magpahinga muna siya upang bumalik ang sigla ng kanyang katawan.
Dapat maging priority ni Kris ngayon ang kanyang kalusugan. Mas mahalaga na gumaling muna siya bago bumalik sa telebisyon. Mag-enjoy na lang muna siya kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa darating na Pasko!
Sa ngayon, patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling ang mga taong nagmamahal kay Kris Aquino.
TAMA lang ang desisyon ni Daniel Padilla na mag-switch na sa pagiging action star at 'wag na munang gumawa ng rom-com movies.
Nabuwag na ang love team nila ni Kathryn Bernardo nang sila ay maghiwalay. Kailangan na mag-solo muna siya at i-reinvent ang sarili bilang action star.
Mas tatagal pa ang kanyang career kung lilinya siya ngayon bilang action star tulad ng kanyang Tito Robin Padilla at amang si Rommel Padilla.
Bagay kay Daniel ang bago niyang project sa ABS-CBN. Bibida siya sa action-drama seryeng Incognito kasama sina Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Anthony Jennings, Maris Racal at Kaila Estrada.
Ang bongga ng ipinasilip na trailer ng Incognito na mistulang isang malaking action movie na ginastusan nang milyones. Ito ay mula sa direksiyon ni Lester Pimentel at mapapanood sa Netflix sa January 17, 2025. Sa January 20, 2025 ay eere rin ito sa iWant TFC, Kapamilya Channel, at A2Z Network.
Punumpuno ng action ang mga eksena sa Incognito. Apat na buwang nag-undergo ng martial arts training ang buong cast bago sumabak sa mga action scenes.
LABIS na nagtataka ang marami kung bakit pumasok na rin sa showbiz ang anak nina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski na si Robbie Jaworski.
Anak-mayaman daw ito at hindi naman breadwinner ng pamilya. Nakapag-aral din siya sa mga prestihiyoso at mamahaling unibersidad at may mina-manage ngayon na hotel business.
Sino ang kumumbinse kay Robbie na mag-artista na rin?
Ang inaasahan ng iba ay lilinya si Robbie sa larong basketball, kung saan inidolo ng marami ang kanyang Lolo Robert Jaworski na mas kilala bilang Jawo o Big J.
At bakit hindi rin siya luminya sa pagiging equestrian tulad ng kanyang mom na si Mikee Cojuangco o tumakbong pulitiko tulad ng kanyang Daddy Dodot na vice-mayor ngayon ng Pasig City?
Sa negosyo muna luminya si Robbie nang kailangan ng kanyang dad ang makakatulong sa pamamahala sa kanilang hotel business. Kaya medyo late na (he’s 24 years old now) nang nag-decide siyang mag-artista.
Pagdating sa love life, napaka-private ni Robbie. Pero aminado siyang super crush niya ang Chinita Princess na si Kim Chiu. Nasubaybayan daw ni Robbie ang pagsikat ni Kim at hanga siya sa pagiging mapagmahal sa pamilya ng aktres.
Well, good idea sana kung pagtatambalin sa isang project sina Kim Chiu at Robbie Jaworski, tutal, pareho naman silang Star Magic artist!
Tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng programang Unang Hirit para sa kanilang 25th year anniversary.
Ang UH ang longest-running morning show sa telebisyon na sinubaybayan ng libu-libong viewers sa buong bansa.
Maraming celebrities ang naging bahagi ng Unang Hirit at maraming segments ang kanilang inihandog sa mga viewers.
Ilan sa mga orig na hosts ng UH ay sina Arnold Clavio, Suzy Entrata, Lyn Ching, at Connie Sison.
Naging asset din sa UH sina Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Maris Umali at Atty. Gabby Concepcion.
Maging si Rhea Santos ay ilang taon ding naging bahagi ng UH, pero ngayon ay nakabase na sa Canada.
Si Luane Dy, nakasama rin sa UH bago nag-asawa.
Bongga ang inihanda ng production team ng Unang Hirit para sa kanilang 25th anniversary. Malalaking premyo ang kanilang ipamimigay sa kanilang mga loyal viewers.