XIAN: PAREHO NAMING GUSTO NI KIM NA MAGHIWALAY
- BULGAR
- May 5, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 5, 2024

HINDI lang puro tungkol kay Iris Lee ang sinabi ni Xian Lim sa article ng Esquire PH, nagbalik-tanaw din siya sa naging relasyon nila ng ex niyang si Kim Chiu.
Ang ganda pa nga ng sinabi nitong, “It was a beautiful relationship, it was a beautiful 12 years.”
Una nito, sinabi ni Xian na “No one will truly know what is going on in a relationship, kaming dalawa lang makakapagsabi. And that is why it was our conscious effort to release that statement and let’s just leave it at that. It was a mutual understanding between me and (her) and that we’re going our separate ways. Hindi na kailangan pang magsabi kung sino’ng nagkulang.”
Ayan, sabi ni Xian, mutual decision nila ni Kim ang maghiwalay pero gusto pa rin nating malaman kung sino ang nag-initiate ng breakup. Saka, bakit sila naghiwalay after 12 years?
Sa tanong kung ano ang naging sikreto sa matagal nilang relasyon ni Kim, “We worked it out. That’s why it lasted that long,” sagot pa ni Xian.
Nilinaw din ni Xian sa article na nag-bloom ang relasyon nila ni Iris Lee after ng breakup nila ni Kim. So, mali ang tsika na sila na ni Iris habang may relasyon pa sila ni Kim.
lden sa mga bashers.
Comments