top of page
BINI Gwen.jpg

After kumalat na buntis, Paulo… KIM, NAGTATAGO SA PUBLIKO

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 28, 2026



Kim Chiu - IG

Photo: File / Kim Chiu - IG



May kumakalat na tsika ngayon na wala naman sa Canada si Kim Chiu, na unang nabalita nang umalis siya sa It’s Showtime. 


May isang post kasi ang aktres sa social media na ang background ay parang nasa ‘Pinas lang siya. Kaya iniisip ng mga netizens na hindi siya natuloy sa Canada.

Pero bakit naman magtatago si Kim sa publiko matapos mabalitang may demanda laban sa kanyang Ate Lakam?


Hindi rin maawat ang tsismis tungkol sa preggy issue ng Chinita Princess courtesy of her rumored BF, Paulo Avelino. Ganunpaman, wala pa siyang malinaw na pahayag tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya ngayon. 


Aabangan ng lahat kung bigla siyang lilitaw at magpapakita bago mag-Pasko o sa March next year na, tulad ng mga naunang press release ng kanyang kampo.





‘Di pa-VIP… 

WINWYN AT MIKEE, PAREHONG PALABAN SA PBB



MARAMI ang nagtatanong kung bakit daw nabago ang mga pamantayan sa pagpili ng housemates sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0). 


Dati-rati, puro baguhan ang nakakapasok matapos dumaan sa matinding audition, at galing pa sa iba’t ibang lalawigan ang mga housemates.


Pero ngayon, may mga housemates na artista, tulad nina Winwyn Marquez, Mikee Quintos at Anthony Constantino. Kaya ang tanong ng lahat ay kung pareho rin ba ang treatment sa kanila at sa mga baguhan. Wala bang favoritism na magaganap?


Sina Winwyn at Mikee ay parehong palaban. For sure, wala silang task o challenge na uurungan at hindi naman sila feeling big stars na may special privilege.

Puwede rin nilang tulungan at bigyan ng moral support ang mga baguhang housemates.





NAGLABAS na ng ratings ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa mga pelikulang katatakutan na palabas ngayong Halloween long weekend.


Paalala ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto, dapat munang tiyakin ng mga manonood na angkop ang sineng kanilang papanoorin para sa mga mas bata nilang kasama bago pa man bumili ng tiket.


Ang App the Horror, isang South Korean horror film na pinagbibidahan nina Kim Young-jae, Kim Ju-a at Yang Jo-ah, ay rated R-13.


Rated R-13 din ang Vampire Carnival, isang gothic horror flick na tampok sina Nell Verlaque, Jason Isaacs at Kieron Moore.


Ang isa pang horror film na Crawlers ay may R-13 rating dahil sa strong bloody violence, gore, nakakatakot na eksenang katatakutan, strong language at brief sexual material. Bida rito sina Matilda Lutz, Gregg Sulkin at Melina Matthews.


Ginawaran din ng rating ang dalawang gawang-Pinoy na pelikula. Ang Red Crown na isang suspense thriller na tampok sina Sanya Lopez, Michelle Dhee, Faith Da Silva, AZ Martinez at Ashley Ortega, ay rated R-16. Ito ay may mature themes, strong language at graphic ngunit non-gratuitous depiction ng karahasan at gore.


Ang He’s Dating a Boldstar na isang Pinoy romantic comedy film na pinagbibidahan nina Joel Ravanera, Analyn Barro, Dominic Biong, Joshua Padigos, Bonn Earl Aquino, Nelson Nielo, Rob Sy, Leandro Baldemor, Aleck Bovick, Charles Temones at Maranatha Quevedo ay may R-13 rating.


Samantala, ang Sense and Sensibility, isang romantic period drama na bida sina Daisy Edgar-Jones, Esmé Creed-Miles at Caitríona Balfe, ay nakakuha ng PG rating. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page