ni Julie Bonifacio @Winner | June 21, 2025
Photo: Sam Milby - IG
Ibinulgar ni Sam Milby ang pagpapa-stem cell sa isang clinic dito sa Pilipinas sa kanyang Instagram (IG) post recently.
Most of the stars kasi na nabalitaan namin na nagpa-stem cell ay sa ibang bansa nila ipinapagawa. But now, marami na rin pala talaga sa mga clinic dito sa Pilipinas ang meron nito.
Anyway, ang dahilan ng pagpapa-stem cell ni Sam is for health reasons. Last year, same month, inihayag ni Sam ang pagkakaroon niya ng Type 2 diabetes.
Sa kanyang IG, ipinost ni Sam ang picture niya habang nakahiga sa medical bed sa isang clinic.
Caption ni Sam, “First time to try stem cell therapy to help improve my type 2 diabetes. Excited to share with you guys my journey. Thanks, Villa Medica!”
Ipinost din ni Sam ang video ng kanyang “journey” or pagpapa-stem cell sa nabanggit na clinic.
Sa video ay binanggit ni Sam na 2 years na pala ang pagiging type 2 diabetic niya. At inamin niya na habang tumatagal ang kanyang health problem, lalo raw itong lumalala.
Pahayag ni Sam sa video na naka-post sa kanyang latest IG post, “I’m going to, for the first time, do for my stem cell for the reverse diabetes.
“I’ve been diagnosed for 2 years now and sadly, this year has been a bit rough for me. It’s parang lumalala habang tumatagal.”
Umaasa si Sam na sa pamamagitan ng pagpapa-stem cell ay mababalik ang function ng kanyang pancreas at mabawi ang blood sugar control sa pamamagitan ng ‘Pancreas-Specific Stem Cell Therapy’ na nagmula sa Germany.
Siyempre, we wish na maging epektibo sa health issue ni Sam ang kanyang pagpapa-stem cell.
Nagulat ang marami sa ipinost ni Cannes Best Director Brillante Mendoza na larawan niya kasama ang Batangas governor at Star for All Seasons na si Vilma Santos at si Coco Martin sa kanyang Facebook (FB) account kahapon.
At sa caption ay may nakalagay na “#filmmaking.”
Mabilis na naglaro tuloy sa isipan ng mga netizens na ang next movie project ni Direk Brillante ay pagbibidahan nina Vilma at Coco.
Binati agad si Direk Brillante ng mga kapwa niya directors at ibang mga netizens sa kanyang FB post.
Sey ni Direk Trina Dayrit, “Great cast, Dir. Dante!”
Komento naman ni Direk Emman dela Cruz, “Love the Cast Rek Brillante Mendoza (smile emoji).”
“Wow nice naman Direk (wink emoji) congrats.”
“Looking forward to it, Direk! #Vilmanian.”
Dahil isa rin kami sa mga ‘di mapakali kaya nag-private message kami kay Direk Brillante para batiin siya.
Sey namin kay Direk Brillante, napa-‘Oo’ rin niya sa wakas si Gov. Vi sa isang proyekto niya.
Matagal nang gustong gumawa ng movie ni Direk Brillante with Gov. Vi pero either ‘di sila magkasundo sa proyekto or may problema sa schedule.
Pero ayon sa award-winning international director, matagal na raw ang piktyur nila nina Gov. Vi and Coco. Nakunan daw ang piktyur na ‘yan nu’ng nag-lunch sila and talk about a possible project in the future.
May nabanggit sa amin na concept noon si Direk Brillante sa isang project na inalok niya ang role ng isang public servant kay Gov. Vi. We asked Direk Brillante kung ito ba ang gagawin niyang project with Gov. Vi.
And he said to us, “Hindi kasi nasa politics na (siya) ulit.”
Sabi pa ni Direk Brillante sa amin, matagal pa raw bago matuloy ang Vilma-Coco project dahil parehong napaka-busy ng schedule ng dalawa.
HITIK sa kilig ang handog ng ABS-CBN YouTube (YT) sa paglunsad ng bagong tambalan nina Anji Salvacion at BGYO Gelo para sa inaabangang online movie na The Four Bad Boys and Me (TFBBAM).
Tampok din sa YT ang patok na variety show ng BINI at ang pagbabalik ng Kuan on One (KOO) at Sparks Camp (SC).
Makakasama nina Anji at Gelo na magpapaulan ng kilig sa movie adaptation ng sikat na Wattpad series na TFBBAM sina Harvey Bautista, Dustine Mayores, River Joseph, AC Bonifacio, Brent Manalo, Analain Salvador, Gela Alonte, at Krystal Brimner.
Iikot ang kuwento sa nakakaintrigang high school life ng isang babae na magiging close ang pinakasikat na boy group at mapapanood na ito sa Hulyo 31 mula sa direksiyon ni Benedict Mique.
SAMAHAN naman ang BINI sa nakakatuwang challenges para sa una nilang variety show na BINIversus, kung saan umabot na sa pinagsama-samang 1.9 milyong views ang episodes nina Colet, Maloi, at Gwen.
Si Aiah naman ang sumalang bilang game master sa panibagong episode na napapanood sa BINI YouTube (YT) channel.
Mas pinasaya rin ang kulitan kasama ang BINI sa never-before-seen clips sa “BINIversus Chaos: Unreleased Scenes” na eksklusibong mapapanood ng Super Kapamilya members kapag pinindot ang “join” sa ABS-CBN Entertainment YT channel.