Sintunado raw, kinakapos ng hininga, boses-palaka, etc... KAKIE, KINANTA ANG BITUING WALANG NINGNING NI SHARON, NALAIT NANG TODO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 28, 2026

Photo: Kakie Pangilinan - Instagram
Awang-awa kami kay Kakie Pangilinan na kinanta lang naman ang Bituing Walang Ningning ni Megastar Sharon Cuneta sa katatapos na 42nd PMPC Star Awards for Movies nu’ng Linggo bilang tribute sa inang pinarangalan bilang Nora Aunor Lifetime Achievement Awardee, aba’y pinaulanan na nang sangkatutak na panlalait ng mga netizens.
‘Di kami sure kung nakarating na kay Kakie ang reaksiyon ng mga netizens sa nai-post naming video reel niya sa Facebook na kinakanta ang Bituing Walang Ninging ng kanyang inang Megastar, pero kung mababasa ng anak nina Ate Shawie at Sen. Kiko Pangilinan ang mga comments, imposibleng hindi maapektuhan ang mental health niya, unless sanay na siya sa mga bashers.
Grabe kasi ang panlalait sa boses at paraan ng pagkanta ni Kakie. May nagsabing sintunado siya, trying hard, naghahabol ng hininga, boses-palaka at may nag-comment pa ngang mas masarap siyang pakinggan kapag naka-mute ang cellphone.
‘Kalokah talaga ang mga netizens, ang harsh nila!
In fairness kay Kakie, ginawa naman niya ang best niya. Ang mahirap lang kasi, naikumpara siya sa boses ng kanyang inang magaling na singer lalo’t very iconic ang Bituing Walang Ningning.
Siguro, after this, first and last time nang kakantahin ni Kakie ang naturang song ni Mega.





Comments