top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | January 18, 2026



BIDA - SAM, DADALHIN ANG MGA SIKAT NA HOLLYWOOD STARS SA ‘PINAS_IG @samverzosa

Photo: IG @samverzosa



Marami agad ang na-excite nang mabasa ang Instagram (IG) post ni Sam Verzosa na may mga darating na big Hollywood stars sa ‘Pinas para mag-film ng movie rito.


Caption ng post ni Sam: “Bringing a BIG Hollywood production to the Philippines w/ some giant A-List Cast. In talks w/ writer & Director David Raymond... and yes, this one’s on another level. Hopefully, we can start this March and makapunta lahat ng LODI (idol) n’yo sa Hollywood dito sa Pilipinas. Exciting times ahead. Blessings never stop!!!”


Dagdag pa ni Sam, “I can’t name them yet... pero grabe ang mga Hollywood stars! Sagad! But I’m sure, idol mo.”


Wala pang ibang detalyeng ibinahagi si Sam, pero lumalabas sa post na siya ang producer ng Hollywood movie. 


Marami ang nag-comment at nagpasalamat kay Sam sa gagawin nitong malaking tulong sa local cinema. Hindi na makapaghintay ang mga kababayan natin kung ano’ng project ito at sino ang Hollywood actors na kasama sa cast.


Siguradong may kasamang Filipino actors sa cast ng movie, kaya may nagtanong kung isasama ba niya si Rhian Ramos. Break na raw ang dalawa, kaya legit ang tanong. 


Pero sa pag-check namin sa IG ni Sam Verzosa, may post pa rin siya ng photos nila ng aktres, na nagbigay ng tanong kung may chance pa silang magkabalikan.



IN fairness kay Ellen Adarna, madalas niyang ipahiram kay Derek Ramsay ang kanilang daughter na si Liana. Naisama pa ni Derek at ng pamilya niya sa United Kingdom (UK) si Liana nang ilang araw.


Sa latest post ni Derek sa Instagram (IG), bitbit niya si Liana sa play date kasama ang mga anak ng kaibigan niya. Marami ang kalaro ng bata na siguradong nag-enjoy. 


Para hindi ma-bash, hindi isinama ni Derek ang anak sa mga batang panay ang lundag sa kama.


Sa storycon ng The Kingdom: Magkabilang Mundo (TKMM), dumating si Derek suot ang t-shirt na may nakasulat na “Love My Baby Liana” at may sketch pa silang mag-ama. 


Mabuti at walang basher na nag-comment na tila OA (overacting) siya sa pagpapahayag ng pagmamahal sa anak.


Balik-showbiz si Derek Ramsay via TKMM. Hindi role ni Vic Sotto ang gagampanan niya sa pelikula, iba ang kanya para maiwasan ang comparison. 


Maganda at malaking comeback project ito para sa aktor, at malay natin, baka ganahan siyang muling gumawa ng pelikula.



INI-LIKE ni Alden Richards ang post ni Pia Wurtzbach tungkol sa kanyang bahay. May mga nagtanong kung magkakilala ba ang dalawa at kung gagayahin ba ng aktor ang ayos ng bahay ng former Miss Universe.


Ang sagot, pareho sila ng interior designer. 


Sa ganda ng bahay ni Pia, hindi malayong maging maganda rin ang bahay ni Alden na si Patrick Henri Caunan ang interior designer.

Marami ang humanga sa bahay ni Pia. 


“Ang ganda!!!,” “Beautiful,” “That is a beautiful home, very relaxed and good vibe!” at “Sarap bumisita,” ang ilang mga comments na mababasa.


Lalo raw gumanda ang bahay ni Pia Wurtzbach dahil sa kanyang mister na si Jeremy Jauncey. 


Isa pa raw sa mga rason ay para hindi na lumabas pa ng bahay, magtitigan na lang sila.



MAY mga dating shows ng ABS-CBN na nangangamoy-babalik sa ere, kabilang ang Gandang Gabi, Vice! (GGV) ni Vice Ganda. 


Marami ang excited sa pagbabalik ng show at wish ng mga fans na mangyari ito sa madaling panahon.


Ibabalik din ang Y Speak (YS) at may patikim na rin sa pagbabalik ng Umagang Kay Ganda (UKG)


Kapag nagbalik ang mga shows ng ABS-CBN, malaki ang maitutulong para muling sumigla ang telebisyon. Magbabalik din ang mga fans at mabubuhay muli ang rivalry o awayan ng mga Kapamilya at Kapuso fans.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | January 15, 2026



Dennis Trillo / IG

Photo: Dennis Trillo / IG



Sinagot ni Dennis Trillo ng “Lahat po sila ay special para sa akin,” ang comment ng isang netizen na nagtatanong kung special child ba si Jazz, anak ni Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia. 


Hindi na nakasagot ang nagtanong at karamihan sa mga comments ay pinuri ang pagiging ama ng aktor.


May nag-comment pa ng “Sobrang bait ng batang ‘to. Araw-araw ko ‘to nakikita sa school,” na sinagot ni Dennis ng “Kaya napakasuwerte namin sa kanya.”


May event sa school nina Jazz na sinuportahan nina Dennis, Jennylyn at daughter nilang si Dylan. Nang i-announce na ang team ni Jazz ang nanalo, bumaba ang aktor at kinarga ang anak.


Ang gaganda ng mga comments kay Dennis at pinuri siya sa pagiging ama kay Jazz. 

Ilan sa mga mababasa ay “Not a stepfather but a father who stepped up,” “Sana lahat ng stepfather, kagaya mo,” “Salute to Dennis,” “Additional 1M (million) pogi points kay Dennis Trillo,” “Bakit ako naiiyak,” “Ang pogi mo lalo r’yan, ‘kakabilib ka,” “Can’t stop crying. This touched my heart so much. Thank you, Dennis Trillo, for loving Jazz purely. You are truly a blessing to awesome mom Jennylyn Mercado,” at “Sana all may Dennis Trillo na loving husband at responsible father.”


Anyway, dream pala ni Dennis Trillo na maka-penetrate sa Hollywood. Ito ang caption niya sa photo niya with Art Acuña na guest sa Sanggang Dikit FR (SDFR):


“Balang-araw magkakaroon din ako ng Hollywood project katulad ni Sir Idol @ArtAcuña. Abangan n’yo ang eksena namin sa #SanggangDikitFR.”



FIRST lead role ni Paolo Gumabao bilang Alfonso ‘Alfie’ Mucho sa Spring in Prague (SIP), ang pre-Valentine 2026 offering ng Borracho Films sa direction ni Lester Dimaranan. 


Inamin niyang na-challenge siya at ibinigay ang rason, na ikinatuwa ng press sa mediacon ng pelikula.


“Hindi ako sanay sa role na mabait at lover boy. Sanay akong laging galit at hindi makatawa. Challenging pala,” sabi ni Paolo.


Hindi lang mabait at lover boy ang role ni Paolo, foreigner din ang leading lady niyang si Sara Sandeva at may mga eksenang lambingan pa sila. Sayang at wala sa mediacon si Sara. 


Hopefully, sa premiere night sa January 19, 2026 sa Gateway Cinema, present siya para ma-interview.


Sa interview pa kay Paolo ni Rommel Gonzales, hindi lang ang mabait niyang role ang nagbigay ng challenge sa kanya. Nahirapan din siya dahil sa lamig sa Prague. Nagbiro pa siyang mahirap daw mag-English nang dire-diretso kapag malamig dahil nanginginig ang katawan niya.


Pinuri naman siya ni Atty. Ferdie Topacio, executive producer ng movie, dahil very expressive ang face niya. 


Sagot ni Paolo Gumabao, “Salamat sa mga papuri ninyo. ‘Pag may trabaho ako, inilalabas ko ang best ko, the best actor I can be.”



NAGULAT, kinabahan, natakot, pero excited ang singer-songwriter na si Rob Deniel nang sabihin sa kanya ng Viva Live na magkakaroon siya ng solo concert sa Araneta Coliseum. 


Wala nang urungan ang concert na may pamagat na The Rob Deniel Show.

Out na ang tickets at maganda ang takbo ng bilihan. Pagdating ng concert date, inaasahang sold-out na ang tickets dahil pangako ng mga fans ni Rob na susuportahan nila ito at hindi pababayaan ang kanyang first major solo concert para masundan pa.

Guests ni Rob sa concert sina Arthur Nery, Janine Teñoso, Ashtine Olviga, at sina Pops Fernandez at Ogie Alcasid. 


Siguradong tinanggap agad ni Ogie ang guesting dahil malaki ang pasasalamat nito nang i-cover ni Rob ang song niyang Nandito Ako. Nakilala raw siya ng Gen Z fans at muling nag-trending ang song at siya mismo.


Bago ang concert, ire-release ni Rob ang bago niyang album sa February 13 at paniguradong kasama sa repertoire niya ang mga kanta mula sa new album. Of course, kasama rin ang hit songs niyang Sinta, Ulap, Miss Miss, RomCom, at Ang Pag-ibig.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | January 10, 2026



BIDA - JULIANA, PINAG-IINGAT KAY RICCI DAHIL BABAERO_FB Juliana Gomez & Ricci Rivero

Photo: FB Juliana Gomez & Ricci Rivero



Spotted na nagsa-shopping sa isang mall sina Juliana Gomez at Ricci Rivero, na ibinilang sa new showbiz couples kahit wala sila sa showbiz. 


Hard launch daw sa kanilang relasyon ang ginawa ng dalawa dahil first time silang nakita na magka-holding hands habang naglalakad.


Makikitang nililingon ng mga netizens sina Juliana at Ricci habang naglalakad at nanatili silang magka-holding hands kahit may mga tumitingin sa kanila. 


Marami rin silang nakasalubong na tao at nadaanan, kaya ibig sabihin, hindi nila itinatago ang anumang relasyon na mayroon sila.


Ayon sa mga netizens, nang pumunta sa Thailand si Ricci para i-cheer si Juliana, na miyembro ng Philippine Fencing Team, may relasyon na sila. Kaya lalong kinilig ang mga netizens at naalala nilang ibinuking ni Cong. Richard Gomez na may nanliligaw sa anak nila ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.


Nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) si Goma, nabanggit niya na may nanliligaw sa anak, dinala sa bahay nila at naka-dinner. Hindi nito binanggit ang pangalan ni Ricci at sinabi lang, “S’ya pala ‘yun.”


‘Kaaliw at nakakatuwa ang comment ng mga netizens sa basketbolistang si Ricci — wala na raw pala sila ng konsehala na taga-Laguna? 


May nag-comment pa na nakailang GF na si Ricci at ngayon, si Juliana naman.

Kay Juliana naman, napunta raw siya sa babaero, mag-ingat daw siya at may ilang disappointed sa choice niya. May nagpaabot naman ng good luck kay Juliana, at may pumansin sa body language niya na parang uncomfortable siya.


Parang tinatakot si Ricci dahil si Goma nga ang ama ni Juliana. Lagot daw siya sa ama nito kapag sinaktan niya. May comment pang, “Turn ni Goma mag-ala-Mayor Cuneta.”

Sa dami ng mga comments, ibig sabihin, marami ang nakabantay kina Juliana Gomez at Ricci Rivero, lalo na kay Ricci, at kulang na lang sabihing, “Umayos ka.”



APRUB sa milyon na nakabasa ng book na My Husband Is A Mafia Boss (MHIAMB) sina Joseph Marco at Rhen Escaño, na gumanap sa role nina Ezekiel ‘Zeke’ Roswell at Aemie Romero sa Viva One adaptation ng libro. 


Napalitan ng tuwa ang mga nag-alala na baka masira ang project na kanilang minahal kung ibang cast ang napili.


Hindi pa man nagsisimula ang taping ni Director Fifth Solomon dahil nasa workshop stage pa sila, marami na ang nag-aabang sa project na ito. Naging controversial ang project dahil wala na ang author nitong si Dianna Marie

Maranan o Yanalovesyouu na puwedeng konsultahin.


Pumanaw na ang author at isang kaibigan nito ang nanawagan sa Viva via open letter na piliing mabuti ang cast para hindi ma-disappoint ang mga fans ng libro. 

Sa reaction ng mga fans, mukha namang hindi disappointed ang mga ito. 


Present sa cast reveal ang parents at dalawang anak ng author, at ang mga anak na sina Kian at Cassandra ay may special participation sa series.


Nangako rin sina Joseph at Rhen at ang buong cast na gagawin ang lahat para sa magandang kalalabasan ng project. Binasa nila ang libro, pinag-aralan ang kanilang mga karakter, at nanood ng mga Mafia movies (ginawa ito ni Joseph).


Excited, kinakabahan, at pressured si Rhen, lalo na’t first lead role niya ito, pero sa suporta ni Direk Fifth at ni Joseph, alam niyang lalabas na maganda ang adaptation ng My Husband Is A Mafia Boss.



ANG talas ng mata ng mga netizens sa dami ng photos sa storycon at script reading ng The Kingdom: Magkabilang Mundo (TKMM), sina Cristine Reyes at Derek Ramsay agad ang napansin. 


Mag-ex ang dalawa, pero sandali lang yata ang relasyon nila at kung hindi kami nagkakamali, first project nila ito together.


Confirmed na kasama sa TV adaptation ng The Kingdom (TK) si Piolo Pascual, na kasamang bida ni Vic Sotto sa original movie. 


Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa cast sina Ryza Cenon, Nico Antonio, Art Acuña, at marami pang cast. Si Mike Tuviera pa rin ang director.


First series ni Piolo sa TV5 ang TKMM at tanong ng Kapamilya fans, lumipat na ba siya sa TV5? Remember, ang MQuest Ventures na sister company ng TV5 ang producer ng Manila’s Finest (MF). Co-producer din siya sa series ng anak na si Iñigo Pascual sa TV5 ng Philippine adaptation ng The Good Doctor PH via his Spring Films Productions company.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page