XIAN AT IRIS, MAGKASAMA SA BANGKOK, KAMPO NI KIM, TODO-REACT
- BULGAR
- Mar 3, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 3, 2024

Agad nabalita na spotted sa Bangkok si Xian Lim at ang nali-link sa kanyang si Iris Lee.
Nang mabasa ito ng mga fans nina Xian at Kim Chiu, nasaktan na naman sila. May mga nag-react na bakit pa itinatago ng dalawa kung may relasyon sila? Bakit daw hindi pa sila umamin?
Pinalabas ng nagbalita na sina Xian at Iris lang ang magkasama, pero sa post ni Xian sa Instagram, may mga kasama pa sila. May rason din kung bakit nasa Bangkok sila.
Sa post ni Xian, nakasulat ang caption na: “Location scout happening,” na ang ibig sabihin, nag-location hunting sila ng kanyang mga kasama.
Ang kasama nina Xian at Iris ay film crew ng siguro next movie na idi-direct ni Xian for Viva Films, at kaya kasama si Iris, dahil siya ang producer ng movie. Iris works as a producer sa Viva Films at nagkatrabaho sila ni Xian sa pelikulang Hello Universe.
Ibig sabihin, sa Bangkok ang location ng next movie ni Xian for Viva Films, at dahil si Iris ang magiging producer, magkakasama sila sa shooting. Naku, maraming kuwento na naman ‘to.
Anyway, napanood namin ang video na nagpasalamat sina Xian at Valeen Montenegro sa mga viewers ng Love. Die. Repeat. na sinusubaybayan sa GMA-7 dahil sa kakaibang tema. Sabi ng dalawa, marami pang twists ang series kaya abangan!
Comentarios