Woooh! Level-up! ALDEN, 'DI LANG AKTOR, DIREKTOR NA RIN
ni Nitz Miralles @Bida | December 4, 2023

May mga fans ni Alden Richards ang nagtatampo sa GMA-7 dahil hindi raw sinusuportahan ng home network ng aktor ang 2023 MMFF movie nila ni Sharon Cuneta na Family of Two. Hindi raw napi-feature sa 24-Oras, mabuti pa raw ang ibang entries, nai-feature na.
Nang i-report sa 24-Oras ang Family of Two, natuwa ang mga fans ni Alden at napatunayan nilang suportado ng network ang movie nila ni Sharon at iba pang MMFF entries. Ito ay kahit may entry ang GMA Public Affairs, ang Firefly na pinag-uusapan na rin.
Nang mag-taping sina Alden at Sharon sa Family Feud, kasama ang scriptwriter na si Mel Mendoza-del Rosario at director ng Sharon-Alden movie to promote Family of Two, lalong nawala ang tampo ng mga fans ni Alden.
Baka nga invited din ang mga taga-24-Oras sa mediacon ng Family of Two kagabi at in-interview ang cast at mga executive producers ng Cineko Films Productions na sina Enrico Roque at Patrick Meneses.
Sa December 8, 2023 daw ipapalabas ang episode ng guesting nina Sharon, Alden, Mel at Direk Nuel sa Family Feud at sa nakita naming photos, nag-enjoy si Sharon at sumayaw pa kasama si Dingdong. Ngayon lang uli nag-guest si Sharon sa GMA-7 show at dahil nag-enjoy siya, siguro naman, masusundan pa.
Suportado rin ni Kiko Pangilinan ang movie nina Sharon at Alden. Ipinost niya sa Twitter ang poster ng Family of Two at nilagyan ng caption na “Malapit na.” Sa December 25, 2023 na mapapanood ang pelikula na magpapaiyak sa mga moviegoers.





Comments