WILLIE, MAGBABALIK NA PERO SA FB LANG ANG SHOW
ni Nitz Miralles @Bida | December 9, 2023

Muli na ngang mapapanood ang Wowowin ni Willie Revillame dahil simula December 18, 5 pm to 6:30 pm, mapapanood ito nang live sa Facebook at YouTube.
Ang balita noon, sa PTV4 magbabalik si Willie at ang show niya, under negotiation pa siguro, kaya sa online na muna ito mapapanood.
Sa Facebook page ng Wowowin, may announcement na para makasali at makapaglaro sa Dec. 18, manood ng videos ng show dahil ang mga tanong ay sa videos ng Wowowin manggagaling.

Dahil malapit na ang Pasko sa pagbabalik ng Wowowin, tiyak na malalaking papremyo ang ibibigay ni Willie at bale pamasko na rin niya at ng kanyang show sa mga loyal viewers niya.
Nakakatuwang malamang marami pa ring loyal viewers si Willie at ang Wowowin at masaya sila na magbabalik na ang show.





Comments