top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wasto ang huling habilin na nakasulat...

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2020
2 min read

Napetsahan at nilagdaan ng kamay ng sumulat nito at ‘di kailangan ng saksi

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 27, 2020



Dear Chief Acosta,


Ako ay may sakit na walang lunas kaya nais kong gumawa ng huling habilin habang may kakayahan pa ako. Ang huling habilin na nais kong gawin ay hindi dapat masaksihan ninuman ngunit magiging wasto pa rin. Ano ang dapat kong gawin upang maging wasto ang huling habilin na nais kong ihanda? – Edith


Dear Edith,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 810 ng New Civil Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“Art. 810. A person may execute a holographic will which must be entirely written, dated, and signed by the hand of the testator himself. It is subject to no other form and may be made in or out of the Philippines, and need not be witnessed.” (Binigyang-diin)

Nakasaad sa nasabing artikulo na ang sinuman ay maaaring gumawa ng huling habilin na tinatawag na holographic will kung saan ito ay dapat ganap na nakasulat, napetsahan at nilagdaan ng kamay ng sumulat nito. Walang ibang porma na kailangan para sa nasabing huling habilin at hindi ito kailangang saksihan. Malinaw na sinasabi ng ating batas na dapat ganap na nakasulat, napetsahan, at nilagdaan ng inyong kamay ang huling habilin na inyong gagawin nang walang saksi upang ito ay maging wasto.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page