top of page
Pokwang.jpg

Toneladang shabu sa barko, bakit wala pang detalye ang PNP?

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | October 14, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Kinumpirma na ng PNP na dawit ang dalawang Pinoy sa tangkang pagpuslit ng epektos ng shabu papasok sa Maynila.

Kinumpirma nila ang private jet na tinangkang magbiyahe patungo sa Maynila.


----$$$--

Tinukoy na ng PNP ang dalawang Pinoy na sangkot sa private jet na magbibiyahe ng shabu.

Pero, wala silang inilalabas na detalye hinggil sa higit na isang toneladong shabu na sakay naman ng isang barko mula Thailand patungo rin Maynila.


-----$$$--

Tapos na ang presentasyon ng ebidensiya at testigo ng prosekusyon sa impeachment trial laban kay VP Sara.

Lilipat naman ang eksena sa depensa ng Bise Presidente.

Meaning, puwede nang ipatawag si ex-Sen. Antonio Trillanes.

Marami ang nag-aabang!


---$$$--

BIDANG-BIDA talaga ang Senado.

Kumbaga sa carnaval, marami ring “side events” na puwedeng pagpiyestahan.


----$$$--

TRIPLE whammy daw si Sen. Ping Lacson na ayaw tantanan si Sen. Alan Peter Cayetano.

Pinag-tatlo pa niya ang akusasyon.

Isa sa ghost project; ikalawa sa reclamation; at ikatlo ang fake titles.


----$$$--

DINADAAN na lang ni Lacson sa “paramihan ng bilang”.

Ganyan din kasi ang sitwasyon  ni Digong sa ICC, tinambakan ng akusasyon para magmukhang totoo.

Ang problema, awtentikado ba o sapat ba ang mga ebidensiya?


----$$$--

SA totoo lang, sa impeachment trial, nagkusa ang prosekusyon na magbawas ng “articles” at akusasyon partikular ang “bribery.”

Namulat sila na hindi ito “paramihan,” bagkus ay dapat na de-kalidad at malinaw ang ebidensiya.


----$$$--

IMBES na ebidensya, “wento-wento” lang ang estilo at bahala na ang “trolls” na mag-share nang mag-share para magmukhang totoo sa paningin ng mga taga-socmed!

Inilabas ang mga larawan at listahan sa media, pero nasira ang hilatsa ng baraha nang mismong si DPWH Secretary Vince Hizon ang nagsabi na walang “ghost project” sa Taguig.


----$$$--

NATAPOS ang ‘wento nang sumegunda si Undersecretary Ricardo Bernabe III at nag-ulat na may 107 na proyekto sa lungsod.

At lahat ng ito ay may aktuwal na accomplishment. 


-----$$$--

INILIPAT ang ‘wento sa illegal reclamation kuno sa Laguna de Bay.

Tinukoy ni Lacson ang 30 ektarya  na binubuo ng pitong lote na dumaan daw sa reclamation nang walang pahintulot ng Philippine Reclamation Authority.


----$$$--

GUSTONG palabasin na si Cayetano ang nag-apruba ng naturang reclamation.

Isang mala-imposibleng bagay lalo na kung ang akusasyon ay may personal na papel para sa senador.


----$$$--

PINAKAHULI ay ang “fake titles” kuno.

Apat na parcel ng lupa na may 38.83 ektarya raw ang peke at walang kaukulang record sa LRA. 


----$$$--

Pero sa pagdinig noong Setyembre 22, malinaw din ang pahayag ng PRA, hindi idineklara ng PRA na peke ang mga titulong iyon. 

Magkaiba kasi ang titulong may usapin sa registration kaysa sa titulong sadyang pineke. 


-----$$$--

NAGTATAKA ang marami kung bakit nakapokus lang si Lacson sa Taguig, paano ang ibang kaso ng katiwalian, bakit wala siyang binabanggit?

Bilang dating PNP Chief, alam niya dapat na ang tunay na hustisya ay hindi puwedeng “wento-wento” lang.

Napakahalaga ng matitibay na ebidensiya  at beripikadong impormasyon upang lumutang ang “katotohanan” na  siyang hinahanap nating lahat.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page