top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kinumpirma ng manager… BEA, ‘DI PA BUNTIS, MAS DUMAMI ANG ENDORSEMENTS NANG MAG-ASAWA

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
4 min read

Updated: 3 days ago

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 15, 2026



Bea Alonzo - IG

Photo: Bea Alonzo - IG



Matapos ang matagumpay na Puregold CinePanalo Film Festival, ang pagbubukas ng unang Puregold Teatro Panalo naman ang pinaghahandaan ng team ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang Festival Chairperson ng bagong proyekto na mula sa kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Mr. Vincent Co, na mister na ngayon ng aktres na si Bea Alonzo.


Kahapon ay naganap na nga sa Gateway Cineplex 16 ang announcement ng mga entries na pasok sa first Puregold Teatro Panalo, kung saan mula sa 373 istoryang isinumite, 12 lang ang masuwerteng napili para mapasama sa mga finalists.


Ang mga napiling playwrights ay tatanggap ng P100K each bilang kanilang talent fee.


Ayon kay Ms. Ivy, “It was encouraging to see how many Filipino storytellers are eager to share their work, and it made choosing only 12 plays especially difficult. They remind us how much Filipino theater has to offer, how life experiences offer authentic connections, and how important it is to create more opportunities for these stories to find their audience.”

Dagdag pa nito, “With Puregold Teatro Panalo, we hope to give these works the stage they deserve and, in our own way, help Philippine theater continue to grow.”


Ang 12 finalists – 8 straight plays and 4 musicals – na kasama sa first Puregold Teatro Panalo ay ang mga sumusunod: The Girl Scout Law by Rhain Arabella Alcoriza; True To Life by John “Sweet” Lapus; Trahedya ng Kamote by Marjay S. Manalastas; The Boy Foretold by The Stars (One Act Play) by Dolly Dulu; Nothing But Dreams by Ricardo C. Novenario; Youngstunna by Jerom Andrei M. Canlas; Walang Maliit na Bagay by Joshua Lim So; @Home by Edralin Cabrera, Kathlyn Castillo, Michael Ian Lomongo, Marjorie Lorico, Maria Teresa Jamias at J Victor Villareal; Ang Maayong Balita Sumala Kang Bibo Bautista by Jude Thaddeus M. Gitamondoc; Baka Mali ang Tamaraw by Emmanuel Benbinuto Antonio; Manang-Mana Nga! by Steven Hotchkiss; at The Fourth Wall Has Fallen by Heber Justin P. O’Hara.


Nagsama-sama naman ang mga respetadong theater luminaries sa bansa sa pagpili sa 12 finalists. Kabilang dito sina NCCA SUDI National Music Awardee, two-time Palanca Award-winning playwright and Festival Director Vincent De Jesus; two-time Philstage Gawad Buhay! Award-winning Director Jenny Jamora; five-time Palanca Award-winning playwright Liza Magtoto; actor, award-winning film director and producer Marion Rivera; and theater artist, lyricist and Palanca Awards Hall of Famer Atty. Nicolas Pichay.


Kasama rin sa Screening Committee sina Dr. Layeta Bucoy and Allan Lopez at Artistic Adviser, National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.


Sa February, 2027 inaasahang mapapanood ang mga naturang plays na kasali sa Puregold Teatro Panalo.





TV host, nawalan daw ng kaibigan nang magkasakit… SWEET KAY KRIS: TIME NA PARA MAGHANAP KA NG NEW FRIENDS





NAKAUSAP namin si John “Sweet” Lapus after ng announcement ng Puregold Teatro Panalo kung saan isa nga ang play na isinulat niya titled True To Life sa mga finalists.


Ayon kay Sweet, hindi naman eksaktong buhay niya ang ikukuwento sa play pero maraming karanasan niya sa buhay ang ita-tackle rito tulad ng depression at mental health issues na tiyak na maraming members ng LGBTQIA Community ang makaka-relate.


Masayang-masaya si Sweet na after ng Taksyapo!, a breakout one-act comedy play na isinulat niya at napasama sa main lineup ng Virgin Labfest XXI (VLF 2026) at the Cultural Center of the Philippines (CCP), heto at nakapasok naman ang True To Life sa Puregold Teatro Panalo.


Kuntento siya sa buhay-teatro niya at marami na raw nagbago sa kanya mula nu’ng 20 yrs. ago na active pa siya sa movies and TV.


Samantala, nakumusta namin kay Sweet ang dati niyang close friend na si Kris Aquino. Inamin ng komedyante-writer na mula nang magbalik-‘Pinas si Kris, hindi pa sila uli nagkita o nagkausap. 


Ang alam daw niya ay nagpalit na ng number si Kris kaya hindi rin niya ma-text, pero wish niyang maging okay ang health nito.


Tinanong namin si Sweet sa nasabi noon ni Kris na ang feeling niya, nu’ng namatay ang kanyang Kuya Noynoy Aquino at nagkasakit siya, nawala rin ang mga kaibigan niya sa showbiz.


Sabi ni John Lapus, “I had the same experience. Sad ‘yung ganu’n. But I’m sure mabait na tao naman si Kris, madaragdagan pa siya ng kaibigan siguro. Baka it’s about time to find new friends. Ako, ‘yan ‘yung ginagawa ko. I’m in the process of finding new friends kasi napansin ko, in the past of 10 or 15 yrs., nagbago ang set of friends ko.”

Pero nilinaw naman ni Sweet na wala silang issue ni Kris. 


Well, malay natin baka mabasa ‘to ni Kris at maalala niya na minsan din silang naging super close ni Sweet.





  • 12 Finalists


NAKATSIKAHAN din namin kahapon si Sir Chris Cahilig na Festival Director ng Puregold CinePanalo Film Festival at manager ng misis ni Sir Vincent Co na si Bea Alonzo.


Tinanong namin si Sir Chris kung ano na ang mga projects ni Bea at kung totoo bang buntis na ito dahil marami na ang nag-aabang sa magiging first baby nila ni Sir Vincent.

Pinabulaanan ito ni Sir Chris dahil bising-busy daw ngayon si Bea sa pagtatrabaho at in fact, mula nang hawakan niya ito after ikasal ang aktres, ang dami na raw endorsements na pumasok.


Wala naman daw clause sa mga endorsements na bawal magbuntis si Bea at aminado si Sir Chris na kahit ang mga brands na kumukuha rito ay excited na ring malamang magkaka-baby na sila ng billionaire businessman.


Kaya nga abangan natin, malamang kapag nabuntis si Bea, maging endorser din siya ng mga maternal milk. 


At wala naman daw tutol si Sir Vincent kung ituluy-tuloy lang ni Bea ang pagtatrabaho kahit misis na ito dahil kahit nga raw ang mommy ng negosyante, working mom din noon.


Eh, di very good news ‘yan!





IPAGDIRIWANG ng Kamuning Bakery ang World Pandesal Day bukas, Oktubre 16, at 10 AM kung saan special guest of honor sa taunang selebrasyon ang Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) chairman at award-winning actress na si Ms. Boots Anson Roa.


Aabot sa 100,000 pandesal ang ipamimigay with cheese and fruit jams at iba pang pagkain bilang advocacy ng Fil-Chinese businessman na si Sir Wilson Lee na makatulong sa paglutas ng kagutuman sa bansa.


So, kung gusto n’yo ng free pandesal, go na sa Kamuning Bakery sa Biyernes!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page