Karagdagang bed capacity ng Philippine General Hospital

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 14, 2026

Dear Chief Acosta,
Ang Philippine General Hospital po ang pangunahing ospital na puntahan ng ating mga kababayan tuwing sila ay magkakasakit. Ngunit minsan ay napapanood ko sa balita na nagkukulang din ang kanilang kapasidad upang tumanggap ng karagdagang pasyente dahil sa kakulangan ng kanilang mga kagamitan tulad ng kama. Nais ko po sanang malaman kung may naipasa bang batas upang matugunan ang problemang ito? Salamat po.
— Kim Lao
Dear Kim Lao,
Ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 1 ng Republic Act (R.A.) No. 12210 o ang “An Act Increasing the Bed Capacity of the Philippine General Hospital from One Thousand Three Hinders Thirty-Four (1,334) to Two Thousand Two Hundred (2,200) Beds, and, Appropriating Funds Therefor,” kung saan nakasaad na:
“Section 1. The authorized bed capacity of the Philippine General Hospital (PGH) is hereby increased from one thousand three hundred thirty-four (1,334) to two thousand two hundred (2,200) beds.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang awtorisadong kapasidad ng kama ng Philippine General Hospital (PGH) ay itinaas mula sa isang libo tatlong daan tatlumpu't apat (1,334) patungong dalawang libo dalawang daan (2,200) na kama. Dahil dito, mas maraming pasyente na maaaring tanggapin ng PGH nang naaayon sa kanilang pamantayan.
Nasi din namin ipaalam na nakasaad din sa Seksyon 2 ng R.A. No. 12210 na ang ibang aspeto ng PGH ay nararapat ding itaas ang antas:
“Section 2. The existing hospital facilities and professional health care services of the PGH shall be upgraded to conform and be commensurate with the increase in its bed capacity. The workforce of the PGH shall be increased correspondingly.”
Dahil sa pagpapahintulot sa PGH na magkaroon ng karagdagang bed capacity, itinakda rin ng batas ang pagtaas ng antas ng mga kasalukuyang pasilidad ng ospital at mga propesyonal na serbisyong pangkalusugan ng PGH upang umayon at maging kapantay ng pagtaas ng bed capacity nito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments