top of page
Pokwang.jpg

VP Sara defense team, susubok bumuwelta sa ebidensiya ng prosecution! Abangan

Writer: BULGAR
BULGAR
5 days ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 14, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TIYAK KAKAIN NG ALIKABOK SI SEN. RISA KAPAG SILANG DALAWA LANG NI VP SARA ANG TATAKBO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION — Sa mga pangalang isinama ng Pulse Asia para sa presidential survey para sa 2028 presidential election ay dalawa lang sa mga ito ang deklaradong kakandidato sa pagka-presidente at sila ay sina Vice President Sara Duterte na nakakuha ng 50% at Sen. Risa Hontiveros na nakakuha ng 3%.


Ibig sabihin niyan, kung sina VP Sara at Sen. Risa lang ang tatakbo sa presidential election, ay walang duda, talagang kakain ng alikabok ang senadora, boom!


XXX


DAPAT IBIGAY NI SEN. RISA ANG LABAN KAY MAYOR LENI VS. VP SARA KASI ANG MAYORA LANG ANG MAY PAG-ASANG TUMALO SA ANAK NI DIGONG SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION — Sa naturang presidential survey pa rin ng Pulse Asia, kung sina VP Sara at Naga City Mayor, former VP Leni Robredo lang ang maglalaban, masasabing malaki ang tsansa ni Robredo na talunin ang anak ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).


Ang nakuha kasing rating ni VP Sara ay 54% at ang kay Mayor Leni naman na hindi pa nagdedeklara ay nakakuha ng 40%, na ika nga kapag nagdeklara siya ay malaki ang posibilidad na tumaas pa kanyang rating.


Ang nais nating ipunto rito ay huwag nang ipilit ni Sen. Risa na 3% lang ang rating na kumandidato sa pagkapresidente kasi wala naman talaga siyang pag-asang manalo, na kung magpapasya si Mayor Leni na tumakbo sa pagka-presidente ay ibigay na niya ang laban dito dahil ito lang talaga ang may pag-asang tumalo sa anak ni Digong, period!


XXX


KAPAG HINDI KUMANDIDATO SA PAGKA-PRESIDENTE SI MAYOR LENI, SURE WIN NA SI VP SARA, SIYA NA ANG NEXT PRESIDENT SA 2028 — Ang problem ng 40% na gustong maging presidente si Mayor Leni, ay makailang ulit nang sinabi ng mayora na hindi na siya kakandidato sa national position, lalo na sa pagka-presidente, na for re-electionist for mayor uli tatakbuhan niya sa 2028 election.


Kung talagang hindi na tatakbo for president si Mayor Leni, isa lang ang ibig sabihin niyan, wala nang tatalo, sure win na si VP Sara sa 2028 presidential election, na wala nang makakapigil, siya na ang next President of the Philippines after ng halalan sa 2028, boom, boom!


XXX


SA NOV. 9, 2026 BABANGGAIN NA NG DEFENSE TEAM NI VP SARA ANG MGA TESTIGO AT EBIDENSYA NG PROSECUTION PANEL — Tapos na ang House prosecution panel sa pagprisenta ng mga testigo at ebidensya, kaya sa November 9, 2026 ay ang defense team ni VP Sara ang maglalahad ng mga testigo at ebidensya.


Iyan ngayon ang pinakaaabangan ng publiko, ang gagawing pagbangga ng mga testigo at ebidensya ng defense team sa mga nailahad na testigo at ebidensya ng prosecution panel sa impeachment trial laban kay VP Sara, abangan!






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page