top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Warriors at Raptors, bida; players magpabakuna na!

BULGAR
Oct 14, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio / MC - @Sports | October 14, 2021



Umulit ang Golden State Warriors ng panalo sa bisitang Los Angeles Lakers, 111-99, sa pagpapatuloy ng NBA Preseason kahapon sa Chase Center. Bumida sina Jordan Poole at Damion Lee na tinakpan ang pagliban ng bayaw na si Stephen Curry at sundan ang 121-114 na pagwawagi sa Lakers noong Sabado.

Nanguna si Poole sa 18 puntos habang ipinasok ni Lee ang 12 ng 16 puntos sa first half. Gumawa rin ng 16 puntos si Otto Porter Jr. para sa Warriors na hindi rin pinaglaro si Draymond Green, Klay Thompson at Jonathan Wiseman.

Halos buo ang Lakers at naglaro sina Anthony Davis na may 20 puntos at LeBron James na may 17 puntos. Tumulong sina Carmelo Anthony sa 13 puntos at Russell Westbrook na may 10 puntos subalit hindi sapat at tinapos ng Lakers ang preseason na walang panalo sa limang laro.

Sa isa pang laro, winakasan ng bisitang Toronto Raptors ang preseason sa isang 113-108 tagumpay sa Washington Wizards. Gumawa ng 22 puntos si Malachi Flynn para tapusin ng Raptors ang preseason na may kartadang 3-2 panalo-talo.

Samantala sang-ayon si legendary player Michael Jordan sa panuntunan ng NBA preseason na kinakailangan ang COVID-19 vaccination sa players bago maglaro dahil napakarami pa sa players ang tumatangging magpaturok laban sa virus.


Kaya nanawagan si Charlotte Hornets owner at Chicago Bulls star Jordan na suportahan ang COVID-19 protocols ng liga sa isang panayam sa kanya sa NBC ngayong magsisimula ang NBA season at binigyang-diin niya unang-una ang kahalagahan ng pananatiling malusog ang pangangatawan.

Tumatanggi pa rin ang maraming players tulad na rin ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving na sundin ang protocols maging ang anunsiyo ng NBA na hindi papayagang makapaglaro kung hindi bakunado.


Una namang sinabi ni Nets head coach Steve Nash na hindi rin naman nila inaasahan si Irving na makapaglaro sa Barclays center. Ang ilang players naman na bakunado na tulad ni LeBron James ay tumangging iendorso sa publiko ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.


Si Jordan ay may sariling adbokasiya ng bakuna sa publiko. Noong Pebrero, nag-donate siya ng $10-M upang mabuksan ang dalawang MJ Family Clinics kung saan ay nakapagsagawa na ito ng 1,000 COVID-19 vaccinations.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page