War on drugs kuno, pero ang mga utak ng sindikato ‘di mahuli-huli
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | February 17, 2026

Tatlong warrant of arrest ang inilabas kontra sa gambling czar na si Atong Ang.
Hindi pa rin siya maaresto!
-----$$$---
WALANG warrant of arrest kahit isa, pero nagtatago si Sen. Bato dela Rosa.
Hindi siya nagpaparamdam!
-----$$$---
NAGREREKLAMO naman ang mga suspek sa pagpatay sa pulis sa Bulacan na itinapon ang bangkay sa isang poso-negro.
Isang linggo matapos ang krimen, inaresto sila nang “walang warrant of arrest”.
------$$$---
KALIWA’T kanan ang kaso ng pagpatay sa buong bansa.
Isang dating beauty queen na isang titser ang binaril at napatay sa Isabela.
-----$$$---
ORDINARYONG ulat laman ang pag-ambush at pagpatay sa Visayas at Mindanao.
Anuna ereng sitwasyon sa bansa?
-----$$$---
Araw-araw din ang ulat sa pagkakakumpiska ng mga illegal drugs, pag-aresto sa adik at tulak—pero walang nadarakip na “Big time drug lord”.
Eh, bakit?
-----$$$---
NAG-ABROAD na si Representante Leandro Leviste.
Pero, nag-iwan siya ng “intriga”na pinag-aawayan ngayon!
-----$$$---
NATAHIMIK na si Rep. Kiko Barzaga.
Baka pinag-abroad din.
------$$$---
MALAKING papel ang ginagampanan ngayon ng mga “batang kongresista”.
Hindi sila nabubusalan.
Huwag lang mag-a-abroad.
-----$$$---
IPAGDASAL natin at ikampanya na huwag nang maluklok sa gobyerno ang mga matatanda na at mga re-electionist.
Umaapaw sila sa “karanasan” sa korupsiyon, ang kanilang track record ay nagpapakita na kakutsaba, at kunsintidor sila sa walang patumanggang paglustay sa national budget.
----$$$---
ANG ginagastos bilang campaign fund at propaganda ay malinaw na kulimbat sa kaban ng bayan.
Pero, ereng mga botante—patuloy pa rin ang pagboto sa kanila—kahit mga bopol.
-----$$$---
ANG pinaka-modelo natin ng kamangmangan ay ang “hindi maayos na trato” sa China.
Ika nga ni Kristo: “Patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa!”
----$$$---
CHINESE New Year ngayon.
Kung Hei Fat Choy!
Papasok kaya sa Senado si Tito Sen kahit Holiday?
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments