top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Walang "K" ang kasintahan na humingi ng suporta dahil hindi sila mag-asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 20, 2021



Dear Chief Acosta,


Palagi akong sinusuportahan dati ng aking kasintahan. Nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang kaya’t sinusuportahan na niya sila at mula noon ay bihira na niya akong suportahan. Maaari ko bang obligahin ang aking kasintahan na madalas akong bigyan ng suporta? - Maimai


Dear Maimai,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 195 ng Family Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“Article 195. Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article:


The spouses;

Legitimate ascendants and descendants;

Parents and their legitimate children and legitimate and illegitimate children of the latter;

Parents and their illegitimate children and legitimate and illegitimate children of the latter;

Legitimate brothers and sisters, whether of the full or half blood.”


(Binigyang-diin)


Malinaw na sinasabi ng ating batas na hindi ninyo maaaring obligahin ang inyong kasintahan na magbigay ng suporta dahil hindi siya kabilang sa mga taong obligadong magbigay ng suporta sa inyo. Gayunman, ang inyong kasintahan ay maaaring magbigay ng suporta sa inyo nang kusang-loob lamang.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page