Paglantad ng bank record ni Digong sa impeachment court, sablay!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 9, 2026

MAY PUNTO SI SEN. PADILLA NA MAGALIT NANG ILANTAD SA IMPEACHMENT COURT ANG LAMAN NG BANK ACCOUNT NI FPRRD KASI NGA HINDI MAGAGAWA NG EX-PRESIDENT NA IPAGTANGGOL ANG SARILI DAHIL NAKAKULONG SIYA SA — Ikinagalit ni Sen. Robin Padilla ang pagpayag ng impeachment court na pati ang laman ng bank account ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) ay inilantad sa isinasagawang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
May puntong magalit si Sen. Padilla kasi nga nakakulong ngayon si FPRRD sa International Criminal Court (ICC) jail sa kasong crimes against humanity at walang kakayahan ang dating presidente na ipagtanggol ang kanyang sarili patungkol sa kung saan nagmula ang laman ng kanyang bank account, period!
XXX
BAD NEWS PARA KAY VP SARA, PAGLUNDAG NI SEN. MARK VILLAR SA GATCHALIAN BLOC — Mula sa minority, ay lumundag na sa majority o Gatchalian bloc si Sen. Mark Villar.
Sa totoo lang, bad news 'yan kay VP Sara kasi nga apat na kaalyado niyang senador ang hindi na nakakadalo sa impeachment trial sa bise presidente, sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta ay kapwa nakakulong sa kasong plunder, si Sen. Ronald Dela Rosa ay nagtatago dahil sa kasong crimes against humanity sa ICC at si Sen. Loren Legarda ay kasalukuyang nasa France, nangangambang umuwi dahil baka kapag nandito na siya sa Pilipinas ay saka isampa ang kasong plunder na may kaugnayan naman sa kinasasangkutang P10 billion "ghost electricity" ng kanyang anak na si Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste, tapos nabawasan pa uli ng isa ang minorya nang lumundag na sa Gatchalian bloc si Sen. Mark Villar, tsk!
XXX
PARANG FAKE NEWS ANG INANUNSYO NG PSA NA BUMABA ANG UNEMPLOYMENT RATE SA ‘PINAS — Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba raw ng 5.3% ang unemployment sa bansa.
Hindi kaya fake news 'yan?
Kasi sa totoo lang, wala namang pumapasok na foreign investors sa bansa kaya't nakapagtataka talaga kung bakit naglabas ng ganyang data ang PSA na kesyo bumaba raw ang unemployment rate, period!
XXX
PAGPALO SA 7.2% INFLATION RATE ‘DI KAKAYANING I-FAKE NEWS KASI SA SOBRANG MAHAL NA TALAGA NG MGA PRESYO NG BILIHIN AT MGA BAYARIN SA ‘PINAS — Inanunsyo rin ng PSA na pumalo na sa 7.2% ang inflation rate sa bansa.
Iyan ang totoo at hindi na kakayanin pa ng PSA na i-fake news kasi nga sa sobrang taas na ng presyo ng mga bilihin ngayon, gayundin ang mga bayarin, boom!





Comments