top of page
Search
  • BULGAR

Wala raw makakaagaw ng trono… SARAH, QUEEN OF POP NG ‘PINAS

ni Nitz Miralles @Bida | February 26, 2024





Nagpasalamat si Sarah Geronimo sa pagkakasama niya sa mga awardees sa Billboard Women in Music Awards. Siya ang first Filipina na nakakamit ng ganu’ng award. 


Sa nabasa namin, sa Global Force ang category ni Sarah at kasama rin sa mga awardees si Kylie Minogue sa Icon category naman.


Sabi ni Sarah, “Honored and grateful to be one of the recipients of Billboard’s Global Force Award. This recognition belongs to every dreamer and amazing Filipino artist we have. Mabuhay ang OPM! Mabuhay ang Pilipinas! Maraming salamat, Billboard PH!!!”


Gaganapin ang awards night sa March 6 sa Los Angeles, California. At hindi lang si Sarah ang masaya kundi maging ang husband niyang si Matteo Guidicelli, pati na ang kanyang mga fans. 


Nakatutuwa nga ang suggestion ng ilan sa kanila na kung magpe-perform si Sarah sa awards night, ang song niyang Cuore ang kantahin. Upbeat daw ang song at walang dull moments. Sabayan daw niya ng pang-malakasang choreo at ilabas din ang official music video ng song habang nagpe-perform siya.


And speaking of Sarah, released na ang collab nila ni Billy Crawford na My Mind at pati ang music video ng song, nagustuhan ng mga fans dahil may international flavor daw. 

Wala naman sigurong kokontra sa deklarasyon ng isang fan ni Sarah na ang sabi, “She is the Queen of Pop in the Philippines!!! No one can dethrone herrrrr!”


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page