‘Di raw puwedeng habambuhay magkunwari… HEART, PROUD SA PAGPAPAKATOTOO

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 30, 2026

Photo: IG _iamhearte
Binigyang-diin ni Heart Evangelista ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI) at ang pananatiling tapat sa sarili sa gitna ng panandaliang kasikatan.
Ayon pa sa aktres, bilang kinatawan ng VIOMI AI Philippines, isang sistema para sa paglilinis ng tubig at matalinong pag-inom (smart hydration) na gumagamit ng AI na nagkaroon ng contract signing nitong Miyerkules, Oktubre 28, ang AI, tulad ng social media ay may parehong kalamangan at kahinaan.
“You know, there are always pros and cons when it comes to certain things, certain topics, like social media. If you put yourself out there, you’ll get bashed. So it’s the same thing,” aniya sa ginanap na mediacon.
Dagdag pa niya, “I think you just have to always be very responsible with how you use these tools, which can be for the best or even for the worst. So sana, huwag na lang nating abusuhin.”
Binigyang-diin pa ng aktres ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili at binanggit na patuloy niyang isinusulong ang pagiging tapat sa sarili sa kabila ng malawakang paggamit sa terminong ito.
“Aside from what we’re talking about today, I feel like authenticity has been overused, but honestly, I still advocate for it.
“Because no matter what happens, you can keep your mask on for the rest of your life. The truth of who you are will always come out,” paliwanag pa ng Kapuso star.
Inilarawan din ng aktres ang kanyang sarili bilang isang taong laging yumayakap sa kanyang interes sa fashion at kagandahan, habang binibigyang-prayoridad din ang kanyang kalusugan.
“I’ve always been kikay. I’ve always been into fashion. I’ve always been, they say, maarte. Pero maarte ako pagdating sa health ko. But I guess in the end, it also works for me because I only speak from my heart,” sabi niya.
Samantala, sa ginanap na contract signing, present din bilang investors sina RS Francisco at Sam Verzosa (SV), gayundin ang Sparkle management ni Heart na sina Joy Marcelo at Gigi Santiago-Lara, bukod sa VIOMI Philippines executives na sina Mary Cruz at Khelvin P. Cruz.
Ang pakikilahok ni Heart ay nagdaragdag ng dimensiyon sa lifestyle sa pagpapakilala ng VIOMI sa mga Pilipinong mamimili, na nagdadala ng smart water technology sa mga tahanan ng mga Pilipino.
Ang VIOMI AI Philippines ay nakatuon sa mga solusyon sa paglilinis ng tubig at hydration na idinisenyo upang pagsamahin ang teknolohikal na inobasyon sa pang-araw-araw na kaginhawahan.
Beh, lagi ka na lang ganyan…
SIKAT NA AKTRES, INAAWAY ANG PRODUCER AT DIREKTOR ‘PAG ‘DI SINUSUNOD ANG GUSTO, INAAYAWAN NA

BLIND ITEM:
NAAWA kami sa kilalang aktres dahil pinaliit niya ang mundo niya sa showbiz dahil iilan na lang ang pumapayag na makatrabaho siya.
Sa tuwing may project ang kilalang aktres, lagi niyang nakakaaway ang taga-prod o kaya ang co-actors niya dahil sa ugali niyang kailangang masunod siya, or else, idine-delay-delay niya ito.
May dalawang staff nga raw ang nag-resign sa isang project niya dahil hindi kinakaya ang ugali ng kilalang aktres. Sa isa namang pelikula, na-trauma ang producer, direktor at co-actor nang mag-out of town sila dahil nang magkaroon ng libreng oras para mag-unwind, nakainom ito at tinalakan sila nang husto.
Kuwento nito, “Sobrang bait ng producer, direktor at ‘yung co-actor n’ya. Tinalakan n’ya dahil ‘di nasunod ang gusto nitong mamasyal at mag-shopping na sagot ng producer, bilang nasa ibang bansa sila at dapat ilibre s’ya.”
Marami pang kuwento ang aming source tungkol sa ugali ng kilalang aktres na hindi puwedeng isulat dahil tiyak na mahuhulaan siya.
Buti, natitiis naman ng leading man nito ang ugali ng kilalang aktres.
Sa kasalukuyan, wala kaming alam na next project ng kilalang aktres dahil mainit pa sa mga producer ang ginawa nito kamakailan.





Comments