Pinagtutulung-tulungan daw siya… XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN

ni Nitz Miralles @Bida | October 29, 2026

Photo: FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02
May post si Xian Gaza para raw sa mga artistang nagtatanggol kay Alden Richards (AR).
Sey niya (as is), “Sa mga artistang nagtatanggol kay AR, so ‘pag mabait ‘yung tao sa inyo, eh ‘di na s’ya puwedeng makitira sa condo at manghiram ng relo? Iisa lang ako, eh kailangan n’yo pang magtulung-tulong para tapatan ang cuarenta porsyento ng aking lakas.”
Nanggigigil siguro ang celebrity friends ni Alden na gustong sagutin si Gaza, pero hindi nila magawang mag-comment dahil naka-off ang comment box ng Facebook (FB) account nito, kung saan niya ipinost ang pagko-call out niya sa mga artistang nagtanggol kay Alden.
Na-overwhelm si Gaza sa maraming nagtanggol kay Alden at nag-post ng mga kuwento ng kabaitan at pagiging matulungin nito. Marami pa ang nagtatanggol sa aktor hanggang ngayon.
Tanong ng mga fans, hindi raw ba puwedeng i-post ni Alden ang resibo ng binili niyang relo para lang makita ni Gaza na nakapangalan ito sa kanya? Kaya lang, makikita ang presyo nito at baka ma-bash si Alden at akusahang nagyayabang.
NAGPAKITA ng suporta at pagmamahal ang buong cast at production team kay Alden Richards by wearing red sa taping nila ng Code Gray the other day. Ang gandang tingnan ng buong team na iisa ang kulay ng suot.
Sey sa post, “The cast and entire team of Code Gray are wearing red today to show their love and support for Asia’s MultiMedia Star Alden Richards.”
Si Direk LA Madridejos lang ang naka-black t-shirt at si Alden, may doctor’s gown na suot. Naiiba ang kulay ng suot ni direk, pero alam na nakasuporta rin siya sa aktor.
Anyway, pati si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Atty. Raphael Calinisan, nagpakita ng suporta kay Alden.
Aniya, “Nu’ng super-nobody pa ‘ko, at kahit ‘di pa n’ya ako kilala, tahimik na dinalaw ni Alden Richards ang aking lola [si Nana] na noon ay may karamdaman. ‘Di ko ito maaaring makalimutan kailanman. Salamat, Pare.”
Nag-post din ang isang taga-production ng kabutihan ni Alden.
Sabi nito, “Nu’ng panahon na nagpo-promote si Bea Alonzo ng isang show series, kinailangan n’ya ng Rainbow Tunnel Photobooth at GlamRobot para sa event. Medyo nataasan s’ya sa presyo na ibinigay namin, kaya si Alden ang kusang sumagot sa lahat ng gastos.”
Ganyan ka-generous si Alden. Handang tumulong at magbigay-suporta sa iba. Isang simpleng kuwento, pero nagpapakita kung gaano siya ka-generous at ka-supportive sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Kaya na-bash na naman ng netizens…
HEART, IBINIDA ANG STICKER SA PHONE CASE NA “T*NGINA, BA’T BA WALANG MALI SA ‘YO”
PANG-FEBRUARY 2027 nga ang playdate ng reunion movie nina Heart Evangelista at John Prats.
Nag-post na ng pubmat sina Heart at John at nakasulat ang “February 2027”. Kahit hindi pa sinasabi ang title ng movie, kinikilig na ang mga JoHeart shippers at kung puwede lang, gusto nilang mag-shooting na ang dalawa para ipalabas na ang movie at mapanood na nila.
Nakakatuwa ang mga comments. May nag-i-imagine na ng mangyayari sa loob ng sinehan kapag nanood na sila ng movie nina Heart at John. Sigurado raw na maingay dahil hindi nila mapipigilang sumigaw at pumalakpak, lalo na kapag may nakakakilig na eksena ang dalawa.
“Nakaka-excite sila makita sa big screen,” “It feels like 16,” “Can’t wait!” “OMG! Kilig to the max,” “Grabe naman ‘yang dalawa na ‘yan,” “Grabe ang face card nila,” “Teka, kombulsyon,” “Parang lalagnatin ako,” at “Another hit another mega blockbuster in the making,” ang ilan sa mga comments.
And speaking of Heart, ibinida nito ang sticker na nakadikit sa kanyang phone case.
Ito ang nakasulat, “T*NGINA, BA’T BA WALANG MALI SA ‘YO.”
Ayun, may mga na-trigger na naman na mga netizens.





Comments