top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

Na-meet na raw niya ang iba… KRIS, GUSTONG MAGANDA ANG MAGING MISIS NI BIMBY

Writer: BULGAR
BULGAR
40 minutes ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 30, 2026



TALKIES - KRIS, GUSTONG MAGANDA ANG MAGING MISIS NI BIMBY_FB Bimby Aquino

Photo: FB Bimby Aquino



Ibinahagi ng TV host-aktres na si Kris Aquino sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang tipo ng babaeng gusto niyang maging girlfriend at future wife ng bunsong anak na si Bimby Aquino.


Inilarawan din niya kung gaano kasuwerte ang magiging asawa ni Bimby dahil maalaga, mapagmahal at tapat umano ito sa kanyang karelasyon.


“Anyone who will become Bimb's girlfriend and his wife in the future, sinasabi ko na naka-jackpot ‘yung babaeng ‘yun kasi maalaga si Bimb, mapagmahal, and I am so definite na he will be 100% faithful,” sey ni Kris.


May simple ring hiling si Kris pagdating sa pisikal na katangian ng magiging karelasyon ng anak.


“Ako talaga, ipinagdarasal ko talaga, sana maganda ‘yung girl. I'm sorry.

“I know it sounds na parang, ‘Wow. She hasn’t changed. Medyo mababaw!’ Pero ‘di ba, Boy, kasi Bimb is the one who will carry on the Cojuangco-Aquino last name,” paliwanag niya.


“So gusto ko naman talaga na ‘yung mga magiging anak nila, given na, eh. I’m sure, maganda ‘yung pagpapalaki na gagawin n’ya. And I'm sure ‘di s’ya magmamahal ng someone na pangit ang ugali,” dagdag pa ni Kris.


“Pero you know, baka magpa-cute pa-cute lang, tapos nag-make up. Eh, paano ‘pag nawala ‘yung makeup, tapos ‘di s’ya ganu’n kaganda?” sey pa niya.


Dahil sa komento ni Kris, pabirong sinabi ni Boy, “Alam mo ikaw? Kagagalitan tayo ni Bimb.”


Agad namang nilinaw ni Kris na magaganda at matatalino naman ang mga babaeng nakilala niya sa buhay ni Bimby.


“No, no, no. So far, all the girls that I’ve met are pretty. And all are smart,” sey ni Kris.

Well, in fairness, sa kabaitan ni Bimby sa kanyang magulang at kapatid, jackpot talaga ang magiging future wife niya, sa true lang.





The queen is back! Opisyal nang kinumpirma ng beauty queen at aktres na si Michelle Marquez Dee (MMD) ang pagsabak niya bilang pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International All Stars 2026.


Inanunsiyo ang kanyang pagsali sa premiere ng bago niyang pelikulang Red Crown.

Matatandaang kinoronahang Miss Universe Philippines 2023 si Michelle at kinatawan niya ang Pilipinas sa Miss Universe pageant sa El Salvador noong taon ding iyon.


Samantala, nagpahayag ng suporta ang aktor na si Derek Dee sa anak sa pamamagitan ng isang social media post.


“So proud of you, Michelle. As you step onto the Miss Grand stage, remember that true beauty comes from within, and a crown is only one measure of greatness. Shine bright, stay true to yourself.


“Always your biggest supporter. Love you, my daughter. Dad,” mensahe ni Derek.

Sa comment section ng post ni Derek, nagpahayag din ng suporta ang ina ni Michelle na si Miss International 1979 Melanie Marquez.


“I am your number 1 Fan & Supporter!


“I'M SUPER PROUD OF YOU,” sey ni Melanie.


Isang malaking congratulations kay Queen Michelle Marquez Dee!

Gaganapin ang grand finals ng ikalawang edisyon ng Miss Grand International All Stars sa Disyembre 12, 2026.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page