top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

John Lloyd, Kelvin at JM, ‘di umubra sa role na pari… MCCOY, 4TH CHOICE NA SA MOVIE, NAG-BEST ACTOR PA SA FAMAS

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 30, 2026



SPECIAL - MCCOY, NOT ONCE BUT TWICE DINURAAN NI MON SA MUKHA NG MAY PLEMA_IG _mccoydeleon

Photo: IG _mccoydeleon



Fresh from winning the Best Director award sa FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences), nakausap namin kahapon via Zoom si Direk Caesar Soriano ng pelikulang In Thy Name, na incidentally ay itinanghal ding Best Picture sa katatapos lang na awards night ng prestigious award-giving body last Tuesday sa Manila Hotel.


Aminado si Direk Caesar na talagang ipinasa nila ang In Thy Name sa FAMAS upang ma-screen at ma-recognize dahil ang goal niya ay maging aware ang maraming Pilipino here and abroad sa naging buhay ni Fr. Rhoel Gallardo, ang paring dinukot ng extremist group na Abu Sayyaf kabilang ang ilan pang residente ng Basilan.


Sa loob ng 44 days sa kamay ng Abu Sayyaf, tiniis ni Fr. Rhoel ang lahat ng pahirap, pang-aabuso at karahasang ginawa sa kanya, pero hindi siya sumuko, patuloy na nanalig na may Diyos na magliligtas sa kanila at nangakong poprotektahan ang mga kapwa bihag.


Kung matatandaan, taong 1993 ay naging bihag din ng grupong Abu Sayyaf ang dating ABS-CBN reporter, bago siya nag-shift sa pagiging direktor upang maipakita sa pelikula ang mga totoong kuwento na personal din niyang naranasan sa kamay ng extremist group.


Inamin din ni Direk Caesar sa panayam namin sa kanya na hindi si McCoy de Leon – na itinanghal ding Best Actor ng FAMAS para sa In Thy Name – ang first at original choice para mag-play sa role ng martir na paring si Fr. Rhoel Gallardo.


Actually, fourth choice na raw si McCoy. Una nilang kinonsidera si John Lloyd Cruz para sa role, pero hindi ito available. Naisip din daw ni Direk Caesar sina Kelvin Miranda at JM De Guzman, pero unavailability din ang rason kaya ‘di sila natuloy.


At mukhang meant to be talaga para kay McCoy ang role ni Fr. Rhoel dahil puring-puri ito ni Direk Caesar na napakagaling daw ng mga mata ng aktor at kahit ‘silent acting’ lang ang ipinakita nito – walang pagsigaw o marahas na movements – tumagos sa puso ng mga manonood ang mga eksena ni McCoy sa In Thy Name habang pinahihirapan ni Mon Confiado na gumanap bilang si Abu Sabaya.


Kuwento nga ni Direk Caesar, nag-iiyakan daw ang mga kapwa pari ni Fr. Rhoel nang mapanood ang eksena ni McCoy dahil awang-awa sila sa sinapit nito.


Isa nga sa mga pinag-usapang eksena sa movie ay ang pagdura ni Mon Confiado sa mukha ni McCoy. At take note, not just once but two takes pa raw ‘yun dahil ‘di nakuntento si Direk Caesar sa first take. Eh, that time raw, may flu pa si Mon kaya ‘yung dura nito ay may kasama pang phlegm. Eeew! Hehe!


Pero ru’n nga napabilib si Direk Caesar sa professionalism ni McCoy na wala raw reklamo at talagang sinunod ang lahat ng instructions niya. Kaya no wonder, lumutang talaga si McCoy sa In Thy Name.


Kaya naman after itong maipalabas sa mga sinehan last March, balak daw ni Direk Caesar na ibalik ito sa mga sinehan at sa mga streaming platforms para mas marami pang makapanood.


Goal din daw kasi niyang thru this movie ay kilalanin si Fr. Rhoel Gallardo bilang santo dahil sa lahat ng naging sakripisyo nito.


Well, sana nga ay maipalabas uli ang In Thy Name, na ayon kay Direk Caesar ay magandang tool para mas lumalim ang ating pananalig sa Diyos at ito’y magandang paalala na rin sa atin para maging mabuting tao sa lahat ng panahon.





KUNG si Liza Soberano ang isa sa mga nagboses sa animated film na Forgotten Island, si Bianca Umali naman ang nagboses sa 12-year-old na si Ella sa Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw, isang animated fantasy-horror na opening film sa 14th QCinema International Film Festival na magaganap sa Nov. 13 to 22.


May Filipino title na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko, nakatanggap ang pelikulang idinirek ni Mervin Malonzo at hango sa Filipino komiks ng P1.5-million QCinema Project Market Philippines Co-Production Grant nu’ng 2023. 


Umiikot ang kuwento sa 12-anyos na si Ella, isang batang mambabarang na humaharap sa masasamang espiritu at sa mga suliraning dulot ng karahasan at pang-aabuso sa kapangyarihan sa kanyang komunidad.


Samantala, ang Look Back, isang live-action adaptation ng manga ni Tatsuki Fujimoto na pinamunuan ng Japanese filmmaker na si Hirokazu Kore-eda, ang nakatakdang magsara sa festival.


Sa ilalim ng temang “Genre’teurs,” magtatampok ang QCinema ngayong taon ng mga pelikulang nag-eeksperimento sa iba’t ibang genre at nag-aalok ng sari-saring pananaw mula sa mga filmmakers na Pilipino at dayuhan.


Sa Asian Next Wave competition, kabilang sa mga kalahok ang Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw, Look Back, 9 Temples to Heaven, A Girl Unknown, Fujiko, Fruit Gathering, Hearing, The Burning Giants at The World Before.


Tampok naman sa New Horizons section ang Angh, Baby Jackfruit, Baby Guava, Beach Fictions, Furies, La Gradiva, Sad Girlz, The Color of the Sun at We Are Aliens.


Samantala, bibigyang-pansin ng RainbowQC ang mga kuwentong kumakatawan sa LGBTQIA+ community. Kabilang sa mga pelikulang mapapanood dito ang Big Little Things, Flesh and Fuel, I Rarely Wake Up Dreaming, Jim Queen, Little Trouble Girls, Lovers in the Blue Night, Teenage Sex and Death at Camp Miasma at The Riverbank.


Mas marami pang pelikula ang mapapanood sa iba’t ibang exhibition section, kabilang ang A Long Winter, Fatherland, Fjord, Makikiraan Po, Nowhere to Lay My Eyes, The Beloved, Vintage Violence, Amores Perros, Batang West Side, Patay na si Hesus, Perfect Blue, Possession, Moonglow, I Love Paris at The Unknown.


Hindi rin mawawala ang mga dokumentaryong Bomba Bernal, To the Moon and Back, The Illusion of an Everlasting Summer at Union Town.


Bahagi ng layunin ng QCinema ang patuloy na pagsusulong sa Quezon City bilang UNESCO Creative City of Film at pagpapalawak ng pagkilala sa lokal na industriya ng pelikula sa pandaigdigang entablado.


Mapapanood ang mga pelikula sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office at SM Cinema–SM City Fairview.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page