top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Waiter ng resto, pinagmumura… IVANA, NILAYASAN ANG BASTOS NA AKTOR NA KA-DATE

BULGAR
Mar 22, 2021
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 22, 2021





"May celebrity palang ganu’n? Nakaka-turn-off naman,” sambit ni Toni Gonzaga-Soriano sa kuwento ni Ivana Alawi na iniwan niya ang kanyang ka-date dahil sinigawan nito ang waiter sa Les Flores Restaurant.


“Ayaw ko ng ganu’n talaga, nag-walkout ako!” pagtatapat ni Ivana kay Toni.

“Hindi ka tinext?” balik-tanong ni Toni.


“Nag-text, tumatawag nga. Hindi ko sinabing ‘Bastos kang magtrato sa ibang tao.’ Tapos ‘pag nagkita kami, dedma, parang ‘Huh, stranger?’ Sama ng ugali. Hindi na ako pinapansin,” natawang sabi ng dalaga.


“Buti na lang,” sambit ni Toni.


Ang buong kuwento ni Ivana sa worst date experience niya sa vlog ni Toni ay tatlong oras pa lang na-upload, pero halos nasa 400K views na. Ganu’n talaga kalakas ang tinawag nitong “Hottest Woman in YouTube”.


Sa pagpapatuloy ng aktres-cum vlogger, “May time kasi na we were eating in a restaurant, pinagsisigawan niya ‘yung waiter, pinagmumura niya. Parang siguro, he’s trying to impress me pero hindi niya alam, sobrang na-turn-off ako ru’n the way that he treated that waiter.


“Sabi ko, kung ganu’n siya magtrato sa waiter, he can treat anyone always like that, he can treat me (like that), he can treat my family (too) kaya sabi ko, ang lala niya. Tapos, ‘yung waiter, umiiyak.


“Nag-walkout na ako, tapos kinausap ko ‘yung waiter, nag-sorry ako kasi ayaw kong nakakakita ng ganu’n.”


Ayaw namang banggitin ni Ivana kay Toni kung sino ang aktor na ito.


Aniya pa, “Hindi ko alam, Ate Toni, baka maghulaan na naman sila niyan. Hahahaha!”


Tinanong din ni Toni kung taga-showbiz ba o hindi ang gustong maka-date ni Ivana.


Sagot naman ni Ivana, “Wala, pero ako, I like having a private relationship kasi feeling ko, kapag in-out agad namin, parang mabilis masisira kasi lalo na kapag ang lalaki, affected sa bashers, affected sa comments. Pero wala pa naman akong relationship na private, sinasabi ko lang.


“Pero (kung meron) showbiz o non-showbiz, I want to be private, I want to be intimate,” katwiran nito.


Nagulat si Toni na walang boyfriend ngayon ang dalaga, at aniya, “Single si Ivana!”


Hirit naman ni Ivana, “Sana (meron). Marami ang nagtatanong nga actually kung nasa private relationship ako, no talaga, not yet.”


“Kelan ang huling date mo?” tanong ni Toni.


Sey ni Ivana, “Three months ago.”


Ang panawagan ni Ivana, “Sana, kung sinuman ‘yung magiging relationship ko, sana, siya na ‘yung magiging asawa ko, magiging tatay ng mga anak ko.”


Dagdag pa niya, “Gusto ko, mga pito o anim na anak.”


Nagulat si Toni sabay tanong ng “Seryoso?”


Oo nga naman, sino’ng mag-aakala na gusto ni Ivana ng maraming anak? Kaya guys, napakasimple lang ng gusto ni Ivana sa lalaki — humble, matalino at marunong rumespeto sa lahat ng uri ng tao at higit sa lahat, may trabaho at malakas pa ang tuhod para sa pangarap nitong magkaroon ng 7 anak!


Sunod na tanong ni Toni, “What gets your attention?”


Sey ni Ivana, “People na humble and people who give back. Parang wow, ang daming ganu’n din.”


Pinoy ang gusto ni Ivana at ayaw niya ng foreigner.


Huling tanong ni Toni, “Where do you see yourself five years from now, you’ll be 29 (years old)?”


“I think, five years from now, may asawa na ako. But I think, five years from now, I’ll still be vlogging kung gusto pa akong panoorin ng mga tao na mga nagmamahal sa akin and siguro, I would put up my own business,” nakangiting sabi ni Ivana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page