top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Na-bash dahil pinagyu-uniform pa raw… ALEX, MAY KASAMANG NURSE ‘PAG LUMALABAS

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 20, 2026



TEKA NGA - ALEX, MAY KASAMANG NURSE ‘PAG LUMALABAS_FB Alex Gonzaga

Photo: FB Alex Gonzaga



May mga netizens na nagtataka kung bakit kailangang naka-uniporme ang kasama ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga kapag lumalabas sila ni Baby Isaac.


Ayon kay Alex, hindi raw yaya kundi private nurse ang kasama niya, kaya kailangang nakasuot ito ng uniform kapag naka-duty. Hindi rin daw siya ang nagdedesisyon kundi ang nurse.


Dahil first-time mom si Alex, hindi pa sanay mag-alaga ng baby kaya kailangan niya ng kasama at para mabantayan din ang health ng bata.


Well, sana naman ay hindi basta hinuhusgahan at bina-bash ang aktres. Lagi na lang siyang napagdidiskitahan, naka-monitor ang lahat sa kanyang ginagawa.





Para raw sa mental health…

JILLIAN, NASAGAD, NAPAGOD KAYA NAGPAHINGA SA SHOWBIZ



MATAPOS ang pansamantalang pagpapahinga, handang-handa na ang Kapuso actress na si Jillian Ward na muling sumabak sa aktingan. Nakapag-recharge na siya matapos ma-burnout sa sunud-sunod na projects.


Ginagawa ng aktres ang pagpapahinga kapag nakakaramdam siya ng pagod at stress. Binibigyan niya ng prayoridad ang kanyang mental health.


Well, excited na si Jillian sa bago niyang serye sa Prime Video, ang Behind Closed Doors (BCD) kung saan makakasama niya ang Primetime Queen na si Marian Rivera.


Nagkatrabaho na sila dati sa seryeng Super Ma’am, kaya komportable si Jillian kay Marian. 


Well, mapapasabak ang aktres sa action scenes dahil palaban ang kanyang character. Ibang-iba ang Jillian na mapapanood dito.


Samantala, ibinalita rin ng aktres na tuloy na tuloy na ang kanyang concert sa Disyembre 8. Pinaghandaan niya ito nang husto upang magustuhan ng kanyang mga fans.





BALITANG co-producer si Paulo Avelino sa pelikulang A Perfect Marriage (APM), na isa sa mga napasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.


May sariling movie company si Paulo, ang WASD Films. Dati na rin siyang nagpo-produce ng mga pelikula, tulad ng I’m Drunk, I Love You at Goyo: Ang Batang Heneral.


Ganunpaman, may mga nagsasabing hindi lang ang aktor ang producer sa mga pelikulang kanyang sinuportahan. May share rin daw si Kim Chiu, lalo na sa APM. 


Excited at tuwang-tuwa ang aktres-host nang malamang nakapasok sa MMFF 2026 ang kanilang pelikula. 


Well, dito masusubok ang lakas ng tambalang KimPau (Kim at Paulo) dahil malalakas ang mga pelikulang makakalaban nila.





Umitim at pumayat…

MON, 1 BUWAN NAMUHAY KASAMA ANG MGA MANGINGISDA



PARA sa pelikula niyang The Fisher, tumira si Mon Confiado sa isang fishing village at namuhay kasama ang mga mangingisda sa loob ng isang buwan. 


Sinadya rin niyang magpaitim at magpapayat upang bumagay sa kanyang role bilang mangingisda.


Pansamantalang nawala sa showbiz si Mon habang ginagawa ang pelikula. Ganoon siya ka-dedicated sa kanyang propesyon at hindi basta-basta sumasabak sa isang role nang hindi pinaghahandaan.


Ang TF ay idinirek ni Direk Paul Soriano at ginawa sa ilalim ng Ten17P at Black Cap Pictures.


Malaki ang tiwala ni Direk Paul sa kakayahan ni Mon. Siya kasi ang tipo ng artista na hindi namimili ng role basta kaya niya itong gampanan, kaya naman nagkakasundo sila.


Showing na ang The Fisher ngayong Oktubre 21.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page