top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Wag patagalin, dakpin ang protektor ng mga illegal logger

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2025
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 21, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PANG-HUMAN RIGHTS DAW ANG ICC, PERO KARAPATANG PANTAO NI EX-P-DUTERTE NILABAG NG MGA TAGA-ICC -- Ang International Criminal Court (ICC) daw ay pang-human rights, pero kung titingnan ang ginagawa nilang trato kay ex-P-Duterte, mismo itong ICC ay gumagawa rin ng paglabag sa karapatang pantao ng dating presidente ng Pilipinas.


Mantakin n’yo, alam naman ng ICC na matanda na si ex-P-Duterte, may sakit, mahina na ang pangangatawan at higit sa lahat, hindi pa naman napapatunayang may sala, pero ikinulong pa rin! Gayong may mga ospital naman sa The Netherlands, sana man lang, ipina-hospital arrest na lang nila ang former Philippine president para nababantayan at napapangalagaan ng kanyang pamilya at mga doktor ang kanyang kalusugan, period!


XXX


FAKE NEWS ANG SINABI NI GADON NA KAUNTI NA LANG ANG DDS, KASI SOBRANG DAMI PA NILA SA IBA’T IBANG PANIG NG ‘PINAS -- Halos araw-araw ay may mga Duterte Diehard Supporters (DDS) na nagsasagawa ng protesta sa iba’t ibang panig ng bansa at pinuputakti ng batikos si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pagpayag ng administrasyon nito na dakpin at ikulong sa ICC jail si ex-P-Duterte.


Kaya fake news ‘yung sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation (PAPA) Sec. Larry Gadon na kaunti na lang ang mga DDS, kasi sa totoo lang, sobrang dami ang nagpapakita ng pagmamahal kay ex-P-Duterte, habang sobrang dami rin ang bumabatikos ngayon sa Marcos admin, boom!


XXX


ANG KUPAD NG MARCOS ADMIN SA PAGPAPAGAWA NG PROYEKTO -- Sa isinagawang plano ng noo’y Dept. of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, sa ilalim ng Duterte administration, dapat sa year 2029 ay tapos nang gawin ang Metro Manila Subway, na ‘ika nga ay mapakikinabangan na itong transportasyon ng mamamayan, pero kamakalawa sa statement ni DOTr Sec. Vince Dizon sa year 2031 pa raw ito posibleng matapos.


Ang tagal ah, tatlong taon ang naidagdag sa konstruksyon ng proyektong ito.

Kumbaga, para na ring sinabi ni Sec. Dizon na kapag pagpapagawa ng proyekto ang pag-uusapan, ubod nang kupad diyan ang Marcos admin, period!


XXX


DAKPIN ANG PROTEKTOR NG MGA ILLEGAL LOGGER SA RIZAL PROVINCE -- Isang sibilyan na nagngangalang “Marcial,” na ang pakilala ay super-lakas daw siya sa Camp Crame, ang pasimuno sa pagbibigay proteksyon sa mga illegal logger sa Rizal.


Hay naku! Kaya naman pala kapag panahon ng tag-ulan ay nakakaranas ng mga lagpas taong baha sa Rizal province, kasi may protektor ang mga illegal logger.


Sana, ipag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ang pagpapaaresto kay “Marcial” para mawalan na ng protektor ang mga illegal logger sa Rizal, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page