Wa’ palag sa Diamond Star… KIM, UMAMING PAULIT-ULIT NA SINAMPAL NI MARICEL
- BULGAR
- Oct 28, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | October 28, 2023

Ibinida ni Kim Chiu ang lovely snap nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa kanyang Instagram Stories.
Ani Kimmy, "Pagkatapos masampal nang paulit-ulit, eto po kami ni Inay!”
"Love you, ‘Nay!!!!” dagdag ni Chinita Princess.
In fairness kay Kim, wala siyang palag sa mga eksena nila ni Marya. Ang laki na nga ng improvement ni Kim in terms of acting. Imagine, hindi siya nagpakabog kay Marya.
Nakipagsabayan ang girlfriend ni Xian Lim sa beteranang actress.





Comments