top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | December 6, 2025



BULGARY - JACOB ANG, KASAMA NA NI ATASHA AT PAMILYA SA BAKASYON SA JAPAN_IG _aagupy

Photo: IG @aagupy



Hindi na maitatanggi ni Atasha Muhlach na may ugnayan na sila ng anak ng business tycoon na si Ramon Ang, si Jacob Ang.


May kuhang larawan ang pamilya Muhlach habang sila ay nagbabakasyon sa Japan kasama si Jacob. 


Ayon sa mga netizens, patunay daw iyon na may relasyon nga sila.

Komento ng mga Marites…


“‘Yung ayaw nilang mag-BF ang anak nila… pero dahil kilalang pamilya, approved agad.”


“Billionaire pa, sasayangin pa ba ang pagkakataon? Nakabingwit ng malaking isda, eh.”


“I think, nasa tamang edad na s’ya para magkaroon ng BF.”


“Maliit lang naman kasi ang circle of kakilala ng mga ‘yan. At saka s’yempre, pipili na lang din ng manugang, bakit hindi pa ‘yung mayaman?”


“Parang wala namang naging ganyang statement ‘yung parents nila? In fact, they were praised pa nga dahil open-minded sila sa ganyan unlike the other twin-parents in showbiz.”


Hmmm… tila may pinariringgan yata ang isang commenter.

“Parang never naman nilang sinabi na bawal pa mag-BF si Atasha. Ang condition lang n’ya is basta pumunta sa bahay kung manliligaw. Wala nga silang pakialam kung ano ang gusto ng anak nila basta makatapos lang ng pag-aaral.”


“Naku! Baka nga mas natakot pa n’yan si Aga kaysa sa botong-boto, eh. Baka nga pinayuhan pa n’yan si Atasha kung sigurado s’ya sa papasukin n’ya. Mas mahirap kayang maging dyowa ang mga ganyang high profile. Kaso mukhang walang magawa at mukhang in love na in love rin ‘yung guy. Laging nakabuntot sa out-of-the-country trip. Pati sa recent post ni guy sa IG, nasa bahay s’ya ng Muhlach at nasa yate.”


“No doubt ‘yan dahil kering-keri naman ng guy na gumastos.”


“Baka nu’ng minor pa si Atasha, bawal pa dahil focus sa pag-aaral. Ngayong legal age na s’ya plus may work, ano pang reason nila to stop Atasha from dating? At saka ‘di naman lugi si Ang kay Atasha, beauty and brains si girl at maganda rin ang school na pinanggalingan.”


“Check out Oliver’s Coffee menu, which is apparently owned by Jacob. Just posted their newest drink, Tash Light Dream. When I saw this, for me, this already low-key confirmed everything.”


“Hahaha! I noticed that one too. Followed ko kasi si Tommy na friend ni Jake and na-curious sa Oliver’s Coffee since franchisee s’ya. Mukhang down bad si guy kay Atasha. In fairness, match sila.”


“Du’n ko rin unang nalaman kay Tommy Tiangco sa TikTok. May post kasi s’ya with tropa kasama si Jake and may nagtanong kung single pa ang tropa n’ya. Sagot ni Tommy, ‘yung Mike tsaka ‘yung isang tropa na lang daw nila ang single. So meaning. may dyowa si Jake. And nakita ko sa search bar, dami na pala nilang sightings together. Grabe maka-stalk ang mga fans. Hahaha! ‘Kakilig din sila, very private but not secret ang atake nila.”


“High profile ‘yang dalawa, tapos nasa showbiz pa si Atasha. Saka mukhang hindi naman nila itinatago. Private lang sila. I saw Niceprint’s same-day edit sa wedding ng cousin ni Jacob and nandu’n si Atasha sa wedding.”


“They don’t need Ang’s fortune kung tutuusin. Kaya nila ang same lifestyle kahit wala ang yaman ng mga Ang. Nakabili nga si Aga ng yate during pandemic kahit ‘di na s’ya ganu’n ka-active sa showbiz. Ngayon pa kaya na graduate na si Atasha at malaki na rin kinikita sa showbiz?”


Well, kailan kaya ang hard launch o paglalantad nina Atasha Muhlach at Jacob Ang ng kanilang relasyon? Abangan!



Meme, after pandirihan…

VICE AT SHUVEE, BATI-BATI MUNA PARA SA MOVIE



Hindi naman pala inalis si Shuvee Etrata sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Vice Ganda at Nadine Lustre, ang Call Me Mother (CMM).

Katunayan, kasamang humarap ang Kapuso actress sa mediacon ng all cast ng nasabing movie.


Natanong pa nga siya, “Aside from your biological mother, who is that person you consider as a ‘mother’?”


Ang sagot ni Shuvee, “Si Meme Vice po. Mahilig lang s’yang mamburag (mang-asar) as a joke pero deep inside, he has a good heart and beauty inside.”


Emotional namang sabi ni Meme Vice, “Ako, love ko ‘yang si Shuvee. Kaya sabi ko, ‘wag tayong malulunod sa ingay. Dapat tayong dalawa ang nagkakaintindihan. At nagkakaintindihan kaming dalawa ni Shuvee.”


Pinuri naman ng mga netizens ang young actress sa kanyang sagot.

“Ito ‘yung hinihintay ko, marinig kung ano’ng mensahe nila sa isa’t isa after all na tsismis or what. Nangibabaw pa rin ang love at pagkakaintindihan. The best ka talaga, Meme! Araw-araw mo kong pinapaiyak sa Showtime.”


“Ang eloquent magsalita ni Shuvee. Kudos for taking the accountability kaya love, love na sila ni Meme.”


“Parang may alam si Nadine. Hehehe! Nagpo-promote kaya bati muna kayo.”

“Nasaan na ang mga bashers? Kesyo tinanggal si Shuvee sa movie. Hahahaha!”

“Nakaka-happy that they chose to keep the friendship and be mature in handling issues thrown at them.”


“Shuvee, Vice is only a guide. But you should have your own decision based on your guts, beliefs, and understanding. No one should dictate where you should go. Just pray to Him and He will lead.”


“Oh ‘yan, malinaw na, galing na mismo sa kanila sa kabila ng iba’t ibang ingay at issue. Basta silang dalawa, may connection na hindi na kailangang ipakita pa sa lahat.”


“Kaya don’t listen to all the fake news na nakikita at nababasa n’yo.”


Naglabasan kasi noong nakaraan ang ilang lumang social media posts at isang vlog o video clip ni Shuvee. Sa naturang clip, tinanong siya kung gusto ba niyang ‘dyowa o tropa’ si Vice Ganda, at ang naging reaksiyon niya ay isang “Eww” o parang nandiri.

Para sa ibang netizens, bastos o dismissive ang reaksiyon ni Shuvee Etrata laban sa Unkabogable Star.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | November 19, 2025



BULGARY - LIZA, TODO-PASEKSI NA, MALA-P_KP_K NA RAW_IG Liza Soberano

Photo: IG Liza Soberano



Ibang-iba na nga ang aktres na si Liza Soberano magmula nang maging Hollywood actress siya.


Maging sa kanyang pananamit ay nabago na rin ang kanyang style, very revealing na ang aktres na mostly ay flaunted na sa kanyang kasuotan.


Kaya ang komento ng mga netizens sa ex-girlfriend ni Enrique Gil, “Sana marunong ding mag-thirst trap si Kathryn (Bernardo).”


Ini-repost pa nga raw umano ni Liza ang kanyang seksing pag-thirst trap.

Sey naman ng iba…


“I like the Liza era now. Grabe! Sino’ng mag-aakala na ‘yung mahiyaing Liza before, nagti-thirst trap na? Hehehe!”


“1 million views tapos konti ang nag-like. Ano ‘to TikTok? Hahaha!”

“Angas!”


“‘Pag eto talaga magkagusto sa BF mo, ibibigay mo na lang talaga s’ya nang kusa, eh.

GANDA! Concede defeat agad.”


“Bakit nagmukhang wild si Liza?”


“Ako BF nito, kahit magunaw ang mundo, hindi ko na ito bibitawan.”


“Lumabas na ang totoo n’yang galing.”

“She just be herself and nothing wrong about that.”


“‘Yan ang totoong s’ya, ‘di ba, dati, pinagsasabihan s’ya kung ano ang dapat na attitude n’ya at kung paano mag-ayos.”


“27 na s’ya. And hello, sarcasm ‘yang ginawa n’ya. Hahaha!”


“Baka ito talaga real ugali ni Liza Soberano, ‘di lang n’ya nailabas kasi nga walang mga Marites, walang issue kahit ano’ng gawin n’ya d’yan. ‘Di tulad dito, maraming toxic, konting mali lang, big deal agad.”


“Sorry pero parang may pinagdaraanan ‘to si Liza, or may something na, nawala ‘yung value n’ya. I think, need n’ya ng taong may magandang impluwensiya sa kanya. She seems so lost. Sana, makabalik pa siya at matauhan.”


“Parang naging po*po* na ang galawan, ano na ba’ng nangyayari sa kanya?”

“Grabe ang mga comments dito, ‘noh? ‘Pag malungkot, depressed daw, ‘pag masaya at nag-e-enjoy, may pinagdaraanan at walang values. ‘Pag tumaba, pinabayaan ang sarili o buntis, ‘pag pumayat naman, nag-a-addict. Mahirap maging tao sa social media, dapat ay maging halaman na lang sila.”

Nakakaloka!



Aktor na, direktor pa… 

DIREK JOEL, FIRST TIME NAKIPAG-KISSING SCENE SA MOVIE, NANGINIG



MAY bagong movie na ipapalabas si Direk Joel Lamangan kung saan siya na ang direktor ay isa pa siya sa lead actors, ang Jackstone 5.


Ayon sa direktor, first time umano niyang ginawa ang umarte habang nagdidirek.

Pahayag niya, “Ang hirap. Nagsisisi nga ako kung bakit ko tinanggap ito, eh. Imagine, habang nagsu-shoot kami, hindi ako makapag-isip nang mabuti dahil umaarte ako and at the same time, iniisip ko kung ano ang susunod na eksenang gagawin ng mga artista.”


Kasama sa movie sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Jim Pebanco, Arnell Ignacio at ang dalawang guwapong aktor na sina Abed Green at Jhon Mark Murcia.


Sa limang lead actors, tanging si Direk Joel ang suwerteng may nakaniig sa movie.

Pagbubulgar niya, “Meron akong kissing scene sa Jackstone 5. Sa totoo lang, that was my first kissing scene in film,” pa-sweet na sabi ng direktor. 


Paulit-ulit pa niyang sabi na tila nasa isip pa niya ang eksena. First-ever kissing scene rin daw niya sa kapwa niya lalaki.


Inamin din ni Direk Joel na nanginginig daw siya nang ginawa niya ang kanyang first-ever kissing scene. 


Aniya, “Hindi ako kinabahan sa kissing scene, pero na-excite ako.”

Sa edad nga naman ni Direk Joel Lamangan, sadyang kagulat-gulat na ngayon lang niya na-experience ang magkaroon ng kissing scene sa movie.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | November 9, 2025



BULGARY - PBBM, HINAMON NI ANJO NA MAGPA-DRUG TEST_FB Bongbong Marcos & Anjo Yllana Live

Photo: FB Bongbong Marcos & Anjo Yllana Live



Nag-iisip si Anjo Yllana kung tatakbo ba siya sa pagka-senador sa susunod na eleksiyon. 


Kamakailan, may natanggap siyang challenges na magsalita ng kanyang nalalaman tungkol kay Presidente Bongbong Marcos at Senate Pres. Tito Sotto.


Si Sotto ay hinamon ni Anjo na magpakita ng pruweba na ang mga idino-donate nga niya sa mga scholars ay galing sa sinasahod niya bilang senador, or else he will expose his alleged ‘mistress’ na nangyari noong 2013.


Si Tito Sotto ay kasal sa veteran actress na si Helen Gamboa kung saan may apat silang anak. 


Aside from challenging Senate Pres. Tito Sotto, Anjo Yllana also criticized Pres. Bongbong Marcos. 


Ayon sa kanya, aware ang publiko sa “deformed facial expression” ng pangulo. Hinamon niya si PBBM na sumailalim sa hair follicle drug test.


Tikom naman ang bibig ni PBBM sa tinuran ni Anjo. Dinepensahan ng Malacañang ang Presidente, at sino raw ba si Anjo para mag-demand dito? 


Ayon kay Palace press officer Undersecretary Claire Castro, hindi papansinin ni Marcos, Jr. ang hamon ni Anjo.


Ayon pa kay Claire, may posibilidad daw na pasukin ni Anjo ang pulitika kaya ito nag-iingay ngayon.


Ayon naman sa aktor, pinag-iisipan niya kung tatakbo sa Senado.

“‘Yung followers ko, pinapatakbo akong senador para meron daw silang boses sa Senado. Mga mahihirap na tao ito,” lahad ng aktor.


“‘Yung iba nga, vice-president, ‘yung iba president. Pero hindi ko naman sineseryoso ‘yun. Pero ‘yung pagka-senador, pinag-iisipan ko dahil ngayon, maraming magnanakaw ang nakaupo. ‘Pag nanalo akong senador, mababawasan ng isang magnanakaw. Madaragdagan ngayon ng isang honest na senador kung sakaling manalo ako,” sambit pa ng aktor.



NAGLULUKSA ang mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez sa pagkamatay ng kanilang Yaya Pat. Malungkot ang pamilya dahil matagal na nila itong kasambahay na halos nagpalaki sa mga anak ng aktres, lalo na kay Janine. Bagama’t hindi nila kadugo, itinuring nila itong bahagi ng pamilya.


“Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang mawalan kami ng mga mahal sa buhay. Ngayon, isa na namang malapit sa amin ang namaalam,” lahad ni Lotlot.

Aniya pa, “Almost 40 years nang naging bahagi ng pamilya namin si Yaya Pat. Una n’yang inalagaan si Ken, ang bunsong kapatid ko.”


Kuwento pa ni Lotlot, ang kapatid ni Yaya Pat na si Ate Amy, na siyang naging pinakamatagal na personal assistant ng kanyang ina na si Nora Aunor, ang nagrekomenda kay Yaya Pat.


“‘Yung kapatid n’ya, si Ate Amy who worked for Mommy for more than 20 years (and was her longest personal assistant) ang nagrekomenda kay Yaya Pat na tumulong sa pag-aalaga kay Ken noong bagong panganak pa lang s’ya. Later on, she transferred to me, right before I gave birth to Janine,” kuwento pa ni Lotlot.


“Buong puso n’yang minahal at inalagaan ang bawat isa sa amin, lalo na ang mga anak namin. Sa totoo lang, hindi ko akalain na magtiwala sa iba sa mga anak ko gaya ng pagtitiwala ko sa kanya,” wika pa ng aktres.


“Kami ay magpapasalamat magpakailanman para sa kanyang katapatan, kabaitan, at ang walang pasubaling pagmamahal na ibinigay niya sa aming pamilya sa mga nakaraang taon.

She will always be part of our family and her family, ours forever. 

“Ya, salamat sa pagmamahal mo sa mga anak namin ni Mon. Rest now, Ya, mahal ka naming lahat,” ang madamdaming mensahe pa ni Lotlot.


Maging si Janine Gutierrez ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang yaya. 

Sa kanyang Instagram (IG) story, ibinahagi niya ang mga larawan nila together bilang pagbibigay-pugay sa inilaan nitong serbisyo at pagmamahal sa kanila.



Binabatikos ngayon ang direktor na si Jerrold Tarog at ang aktor na si Jericho Rosales ng apo ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na si Ricky Quezon-Avanceña.

Sa isang special screening ng movie ni Echo ay nagkaroon ng Q&A para sa ikatlong pelikula ng Bayaniverse trilogy na Quezon.


Isa sa mga naroroon ay ang apo ng dating presidente na si Ricky.

Tanong ng apo, “Was it a political satire?”

“Oo,” pagkumpirma ni Tarog.


Sinundan ito ni Avanceña ng, “So nagbibiro ka lang pala?” na agad namang nilinaw ng direktor.


Sagot ni Direk Jerrold, “Hindi, seryoso ang paksa.”


Giit pa ni Tarog, “Ipapaubaya namin sa madla ang pagpapasya kung ito ay isang bagay na gusto nilang iproseso.”


Biglang sabi ng apo ng dating presidente, “Sinalaula ninyo ang alaala ng aking lolo.”

Hindi na napigilan ni Jericho na makialam. Sinabi ng aktor na payagan ang iba pang miyembro ng audience na magtanong, pero humingi ng mas mahabang panahon si Avanceña para sabihin ang kanyang pagtutol.


“Teka lang, Echo, hindi pa ako tapos, eh,” pagpupumilit ni Ricky.


“With all due respect, Sir, I understand your feelings but this is a Q&A for everyone. We are giving everyone a chance because everyone—,” agad na pagputol ni Jericho sa sinasabi ni Ricky Avanceña.


Sabat ni Ricky, “Hoy, Pare! Pakinggan mo ako.”

Sinubukan pa ni Echo na magpaliwanag.


Aniya, “We’re gonna listen to you but there is a space and time.”

Pagsingit uli ni Ricky, “Uy! Jericho, ‘wag mo ‘kong ganyanin, ah. Umupo ka, patapusin mo ako. One minute, I’m done.”


Sinubukan ng production team na bawasan ang tensiyon at tinanong ang iba pang audience kung meron silang ibang mga katanungan. 


Kasunod nito, iginiit pa rin ni Avanceña na binuksan ng pelikula ang ‘Pandora’s box’ kaya hayaan siyang magsalita at saka binatikos ang produksiyon sa pagsira sa alaala ni Quezon.


Bago tapusin ang kanyang pahayag, sinabi ni Avanceña na sinisiraan ng mga filmmakers at ng mga miyembro ng cast ang kanilang pamilya para sa komersiyal na pakinabang.


Wika nito, “Hindi ninyo alam ang ginawa n’yo. Dahil kayo, gusto ninyong kumita ng pera. Gusto ninyong sumikat. Sinalaula ninyo ang alaala ng isang pamilyang nagbuwis ng buhay. Mahiya kayo!”


Kalaunan, sa social media, nilinaw ni Avanceña na hindi niya hinihimok ang mga tao na iwasan ang pelikula ngunit nanawagan sa publiko na panoorin ito at samahan siya sa pagtatanggol sa karangalan ng kanyang lolo online. 


Binigyang-diin niya na ang dating Pangulong Manuel L. Quezon ay hindi lamang isang bayani kundi ‘the best ever most incorruptible’ president.


Naku po! Sana hindi na bumangon pa si dating Presidente Quezon sa kanyang

kinahihimlayan dahil sa gusot na nangyari sa kanyang biofilm.

In fairness naman sa aktor na si Jericho Rosales, ang galing niya bilang si Quezon sa movie.



NAGSALITA na si Gabbi Garcia hinggil sa pambu-bully online.

Aniya, “Throwing hate, bullying, trolling, and bashing online can cause a deep and lasting toll on a person. This will NEVER be okay.”


Hindi raw ito normal at hindi dapat i-tolerate. 

“Many people are already silently struggling with personal battles we don’t see,” aniya.


Idiniin din niya na imposibleng malaman ang tunay na emosyonal na kalagayan ng isang tao sa likod ng screen.


Ayon pa sa aktres, malaki ang nagiging damage sa mental health ng mga tao ng cyberbullying.


“The effects on mental health are real — anxiety, depression, self-doubt, and sometimes even irreversible decisions,” wika niya.


“It’s time to break this cycle of hate,” patuloy ng aktres na hinihikayat ang lahat na itigil ang pagpapalaganap ng negativity.


Ginamit niya ang kanyang social media platform for kindness, not division.

“Imagine if we used these platforms not to tear each other down, but to lift each other up, with compassion, empathy, and understanding…” pakli pa niya.


Maraming artista ang nagpahayag ng mga ganitong sentimyento nang dahil sa pagkamatay ng anak na babae ni Kuya Kim Atienza na si Emman. 


Winakasan niya ang sariling buhay dahil na rin sa matinding bashing na naranasan niya mula sa mga netizens, especially sa mga DDS (diehard Duterte supporters) kung saan nakatanggap siya mula sa mga ito ng death threats nang dahil sa political stance niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page