Wa' muna baby, Matteo… SARAH, GAGAWA ULI NG MOVIE SA 2022
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 20, 2021

Halos hindi namin mabilang ang pelikulang ginawa at naka-line-up pa lang na gawin ng Vivamax ngayong 2021.
Ini-launch ng Viva ang Vivamax noong January 29, 2021 upang tuparin ang pangarap ni Boss Vic del Rosario na maghatid ng entertainment sa mga Pilipino rito at sa ibang bansa na maaari nilang ma-enjoy kahit saan, kahit kailan.
After 6 months lang, may 600K subscribers na ang Vivamax, na hindi naman kataka-taka dahil ang gaganda ng mga movies-concerts na ipinoprodyus nila na talagang pinag-uusapan ngayon sa online world.
Ilan nga lang sa mga talagang gumawa ng ingay at kumbaga sa sinehan ay box office hit, ay ang mga pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam nina Kim Molina at Jerald Napoles, Revirginized ni Megastar Sharon Cuneta, Pornstar nina Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor at Alma Moreno, gayundin ang Tala concert ni Sarah Geronimo at Gandemic ni Vice Ganda.
Sa Zoom mediacon nila kahapon, ipinakita sa press ang iba pang bago nilang pelikulang ipapalabas tulad ng Ikaw at Ako at ang Ending nina Kim at Jerald, The Housemaid ni Kylie Versoza, 69+1 nina Janno Gibbs, Maui Taylor at Rose Van Ginkel at Taya nina AJ Raval at Sean de Guzman.
Natanong naman si Boss Vincent del Rosario, president and COO ng Viva Communications, kung may naka-line-up na movie project for Sarah Geronimo since matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng movie ang Pop Princess at nami-miss na itong mapanood ng mga fans.
Kumpirmasyon ni Boss Vincent, naghahanap lang sila ng magandang story na ipi-pitch kay Sarah at kapag nagustuhan nito, baka first quarter ng 2021 ay magsimula na itong mag-shooting uli.
Open naman daw lagi si Sarah sa paggawa ng movie, naghahanap lang talaga ng right project para rito.
So, mukhang hindi pa talaga priority ni Sarah Geronimo ang pagkakaroon ng baby kahit gustung-gusto na ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.
Kasi kung mabubuntis si Sarah hanggang bago matapos ang 2021, paano pa siya gagawa ng movie pagpasok ng 2022, devah?
Anyway, back to Viva, nakakatuwa naman talaga ang Vivamax dahil sa halagang P149 lang per month kapag naging subscriber ka, super-daming pelikula na ang mapapanood mo na in fairness, mga bago na, ang gaganda pa, kaya sulit na sulit talaga ang bayad.
Kaya 'wag nang magpahuli at maging Vivamaxxed na rin! Mag-subscribe na!





Comments