top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wa' kayod, wa' bahay, may bisyo pa, hiniwalayan ng misis… JOBERT, MINURA NG 'PU**NG INA' SI LORD

BULGAR
Apr 24, 2021
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 24, 2021




Sa latest vlog ni Toni Gonzaga-Soriano na Toni Talks ay ang komedyanteng si Jobert Austria ang nakausap niya na sa unahan ng kanilang talakayan ay tawa pa nang tawa ang TV host-actress, pero sa bandang gitna ay speechless na siya at nangingilid na ang luha sa kuwento ng buhay ng kilalang personalidad.


Ayon kay Toni ay nagkasama sila ni Jobert noon pang 2011 sa Happy Yipee Yehey show sa ABS-CBN, pero hindi sila naging close.


Nu'ng 2014, nagkasama uli sila sa Home Sweetie Home pero mas naging close pa rin daw kay John Lloyd Cruz si Jobert.


Sa panayam ni Toni, ikinuwento ni Jobert ang kanyang magulong buhay mula nu'ng bata pa siya at wala pa sa showbiz.


Maaga raw siyang nag-asawa, 19-anyos lang, dahil nabuntis niya ang kanyang girlfriend. At dahil walang trabaho, iniwan din siya ng kanyang misis kung saan nagkaroon sila ng isang anak.

“Mas marami akong oras sa labas ng bahay namin, tambay lang kasi ako, inum-inom. Uuwi lang ako ng bahay para matulog, kaya ‘yung nanay ko, hirap na hirap kung tatawagin pa niya akong anak," kuwento ng komedyante.


Thirty years old na ngayon ang anak ni Jobert at may pamilya na rin kaya lolo na siya, na ikinagulat ni Toni.


Nagpakuwento si Toni tungkol sa napanood niyang panayam kay Jobert na tumira raw ito sa sirang dyip bago nag-artista.


“Nu’ng namatay ang mama at papa ko na umampon sa akin, kasi adopted ako, siyempre, mga kapatid ko, sino ba naman ang mangungunsinti na kain-tulog na nga lang (ginagawa ko), puro problema pa na kakatok ‘yung pulis na ‘Si Jobert po, may kaso.’ And drugs pa rin ako nang drugs at dumating pa ‘yung panahon na ayoko na ring maging pabigat kaya ako na mismo ang lumayo.


"Sa dyip ako tumira nang dalawang taon. Lumang dyip ng kaibigan ko na nakaparada lang du'n. Nilagyan ko ng kumot at maliit na kutson,” kuwento ng komedyante.


Nagtaka si Toni paano siya naka-survive na tumira sa dyip.


Kuwento ni Jobert, dahil magaling siyang magpatawa, pinapakain na lang siya ng mga taong naaaliw sa kanya.


Sa dyip din tumira ang anak niya na kahit anong taboy niya ay ayaw humiwalay sa kanya at magkasama silang inabot doon ng bagyong Ondoy noong 2009.


“Ang matindi pa ru'n, ‘yung dyip na ‘yun na nga lang ang tinitirhan namin, na-Ondoy pa. ‘Yung damit ko, tatlo lang. Sabi ng anak ko, ‘Pa, ‘yung tubig, parang tumataas?’ Sabi ko, 'Hindi tayo aabutin niyan.' Tapos umapaw ‘yung creek, lumangoy kami papunta sa ibabaw ng chapel.


“Tapos, makikita mo ‘yung mga damit mo, inaanod. ‘Yung dyip, ‘yun ‘yung pinaka-kayamanan mo. Pagkatapos ng Ondoy, ‘yung dyip ko, putik-putik, wala na 'yung kutson ko. Natulog pa rin ako ru'n nu’ng gabi, basang-basa ako sa tabi ng manukan.”


At inamin ng komedyante na nagalit at minura niya ang Diyos.


“Minumura ko ang Diyos. Sabi ko 'PI ka, patayin mo na ako. Hindi ka ba naawa sa akin? Kung totoong Diyos ka, kunin mo na ako rito.' Umiiyak ako pero minumura ko. Tapos, kinabukasan, nagising ako. Sabi ko, wala rin palang kuwenta ‘tong ganito. Kaya inom ako nang inom kasi hinihintay ko na lang na mamatay ako,” pagtatapat nito.


Pero tulad ng paghupa ng hagupit ni Ondoy, humupa rin ang mga problema ni Jobert at nabigyan siya ng bagong pag-asa nang mabigyan ng trabaho sa isang FM station kung saan nakatanggap siya ng paunang suweldo na P15,000 bilang DJ dahil magaling nga siyang magpatawa at sumikat na siya sa YouTube.


Kasunod nito ay na-discover na rin siya ng ABS-CBN at tinanong nga kung gustong mag-artista.


“Doon na nag-umpisa sa Studio 23, tapos nakita ako ni Direk Bobot (Mortiz), pinatawid ako sa Dos Banana Split, tapos ‘yung tayo na nga, Happy Yippie Yehey, Sige Star, Sige TV, The Loop, TodaMax,” masayang kuwento ni Jobert kay Toni.


Pero dahil malaki na ang kinikita kaya bumalik siya sa pagdodroga at tuluyan na rin silang naghiwalay ng nakabalikan niyang misis sa takot na baka sunugin niya ang condo nila dahil nga drugs siya nang drugs.


“Nakakarinig na ako ng mga boses na ‘Papatayin ka na namin.’ ‘Yung speaker ng cellphone ko, may lumalabas na boses. Ang laban naman talaga, hindi naman pisikal, kundi spiritual,

mental. Talagang demonyo ‘yung sound, eh. Kaya takot akong matulog” balik-alaala ni Jobert.

Ang COVID-19 pandemic at lockdown na nangyari nu'ng 2020 ang gumising kay Jobert para mawala lahat ang bisyo niya.


Kung paano nagbalik-loob si Jobert kay Lord, panoorin ang buong panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel ng aktres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page