top of page

VP Sara, walang paliguy-ligoy sa 2028 national election!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 24 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | February 23, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Matapos magdeklara ng kandidatura sa pagkapangulo ng Pilipinas si VP Sara, agad humangos sa Naga City si PBBM.

Pinaniniwalaang si ex-VP Leni ang itatapat kay VP Sara sa 2028 presidential derby.


-----$$$--


Pormal na inihudyat ni VP Sara ang informal na girian sa 2028 national election.

Pero, malinaw naman na may mga lumalabas na opinion survey, hindi lang sa senatorial kundi sa presidential choices.

Meaning, sakto lang ang deklarasyon ni VP Sara—walang patumpik-tumpik, hindi plastik, at prangkahan siyang nagdeklara. 


-----$$$--


TALIWAS sa postura ni dating ex-VP Gloria Macapagal Arroyo na pumalit kay Pareng Erap sa Malacañang, pormal niyang inihayag na hindi siya kakandidatong pangulo.

Pero, nang oras-de-peligro sa deadline sa COC, bigla siyang nagpahayag ng kandidatura, at nasilat niya si Da King.


-----$$$---


IKINUKUMPARA naman ang sitwasyon ni VP Sara sa maagang postura ni ex-VP Jejomar Binay kung saan, agad hinambalos ng propaganda hanggang sa dumausdos ang reputasyon.

Natalo si Binay bagaman, no.1 siya sa mga presidential survey, 2-3 taon bago ang eleksyon.


-----$$$--


MAGKAKAIBA ang sitwasyong ito dahil si VP Sara ay binobomba ng impeachment complaint.

Nakakulong ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dinadaluyong naman ng hindi masukat na graft and corruption cases ang matataas na opisyal ng gobyerno.


-----$$$---


MALI ang opinyon na “masyadong maaga” ang deklarasyon, sa totoo lang, saktong-sakto lang ‘yan—dahil buong bansa ang ikakampanya.

Kahit sa senatorial campaign ay kapos ang dalawang taong maniobra, sa presidential race pa kaya?


-----$$$--


ANG tawag sa ginawa ni VP Sara ay paggamit ng litmus paper, sinusukat lamang niya o binabarometro ang “opinion, reaksyon at desisyon” ng mga botante.

Actual “survey” ito na mahalaga sa anumang estratehiya.


-----$$$--


MAHALAGANG masukat ang epekto ng mga desisyon, upang mai-calibrate o mai-reprogram ang “estratehiya”—bago ang nakatakdang “giyera” o “labanan”.

Taliwas sa paniniwala ng iba, at taliwas din sa mga “trying-hard” na kandidato, nasa Top 1 si VP Sara at napakahalaga ng bawat araw, resources at energy.


-----$$$--


GANYAN din naman sa barangay election.

Mas maagang magkampanya at magdeklara, mas makabubuti.

Kung ang eleksyon ay sa All Saints Day 2026 – ngayong Marso ay dapat nang magsimula.


-----$$$--


MAY tinatawag na monitoring o survey upang masukat ang “kursunada” ng mga botante; at mula sa resulta ng survey, gagawa muli  ng taktika o aktibidad upang matiyak kung epektibo o hindi epektibo ang diskarte.

Paulit-ulit na proseso ang survey-taktika-feedback-reprogramming-implementation-monitoring at reprogramming uli.

Iyan ay isang scientific approach sa kampanya.


----$$$--


HANGGA’T walang bilangan o proklamasyon, walang kandidato na nakatitiyak ng panalo o pag-upo sa target na posisyon.

Pinakamahalaga, kailangan makabuo ng core group kakambal ng legal team. Ngayon ay may katriplets ito, ang IT Brigades!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page