top of page

VP Sara, kung sinunod payo ng ama na tumakbong presidente, sana siya ang pangulo hindi si PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 19, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAAARING NGAYON NAPAGTANTO NI VP SARA NA MALI ANG DESISYONG MAG-VP, KUNG PRESIDENTE ANG TINAKBUHAN SANA SIYA ANG PANGULO HINDI SI PBBM -- Durog na durog na ang pagkatao ng mag-amang ex-P-Duterte at Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga atake sa kanila ng Quad Committee ng Kamara kaugnay sa isyung extrajudicial killings (EJK) sa dating presidente at confidential fund sa bise presidente.


Marahil, ngayon ay napagtanto ni VP Sara na mali ang naging desisyon niyang makipag-unity at tumakbong VP ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kasi kung sinunod lang niya (VP Sara) ang payo sa kanya ng amang si ex-P-Duterte na tumakbo siya sa pagka-presidente noong 2022 presidential election, siguradong siya ang pangulo ngayon at hindi si PBBM, period!


XXX


UNFAIR KAY VP SARA NA CONFI FUND LANG NIYA ANG INIIMBESTIGAHAN, DAPAT IMBESTIGAHAN DIN NG QUAD COMMITTEE ANG CONFI FUND NI PBBM, KUNG SAAN ITO GINASTA NG PRESIDENTE -- Talagang todo-pabida ang mga miyembro ng Quad Committee sa pag-iimbestiga kung saan ginasta ni VP Sara ang kanyang confidential fund.


Aba teka, hindi lang naman si VP Sara ang nagkaroon ng confidential fund last year (2023), kundi pati si PBBM.


Napaka-unfair naman iyan kay VP Sara, kasi dapat hindi lang ‘yung confi fund niya ang iniimbestigahan ng QuadComm, kundi pati confi fund ni PBBM kung saan ito ginasta ng presidente, boom!


XXX


TINABLA NI SP CHIZ ANG NAIS NI SEN. DELA ROSA NA MAG-IMBESTIGA SA EJK KASI MARCOS ADMIN NGAYON, PERO KUNG DUTERTE ADMIN, APRUB ITO SA SENATE PRESIDENT -- Tinabla ni Senate President Chiz Escudero ang nais ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na tapatan ang imbestigasyon ng QuadComm tungkol sa isyung EJK noong panahon ng Duterte administration dahil ayon sa Senate president ay magiging bias lang daw ito, kasi sa panahon ni Sen. Dela Rosa bilang chief PNP pa noon nagsimula ang sinasabing EJK sa bansa.


Sa totoo lang tayo, na kaya tinabla ni SP Chiz si Sen. Dela Rosa ay dahil Marcos admin ngayon, pero kung nagkataon na si VP Sara Duterte ang naging presidente, malamang aprub sa Senate president ang request ni “Bato” na imbestigahan ang EJK sa bansa, period!


XXX


KAPAG ‘DI HINARAP NI HARRY ROQUE KASONG ISASAMPA SA KANYA NG PAOCC, MALAMANG IDEKLARA SIYANG MOST WANTED NG ‘PINAS -- Inanunsyo ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na sasampahan na nila ng kasong qualified trafficking in person si former presidential spokesman Harry Roque kaugnay sa pagkakasangkot nito sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.


Ang kasong qualified trafficking in person ay criminal case at ito ay walang piyansa, kaya kapag naisampa na ang kasong ito kay Roque at kapag ito ay hindi niya hinarap, hindi lang siya magiging pugante sa Kamara, kundi malamang maitatala pa siyang most wanted criminal ng ‘Pinas, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page