VINA, INILANTAD NA ANG GUWAPONG KANONG BF
ni Beth Gelena @Bulgary | November 5, 2023

Ibinida na ni Vina Morales sa Instagram account niya ang bago niyang boyfriend na Andrew Kovalcin pala ang name.
Hindi nagbigay ng detalye ang singer-actress sa guwapong American guy, basta itinag lang niya ito sa sweet pictures nila na kuha sa park ng Washington, D.C., USA.
Happy ang mga fans ni Vina sa bago niyang pag-ibig.
Anila, "Go lang, V. Try lang nang try until you find the one."
"Uy, huma-hard launch si tita!"
"Ganda pa rin ni Vina until now, maintain kung maintain."
"May anak pa ‘yan, ha?"
"That's what money can do. May pambayad sa Vit C drip, body scrub, facials, supplements at pambili ng healthy food."
"Yes, maganda siya pero always on heavy makeup din."
"Sa true! Actually, silang magkakapatid, even the sisters na hindi artista, ang gaganda ng face."
"‘Yan na sana si Mr. Right."
May nag-comment naman na buti pa raw si Vina, may dyowa na, samantalang ang kanyang younger sister na si Shaina Magdayao, hanggang ngayon ay single pa rin at wala pang nagiging kapalit sa huling BF nitong si John Lloyd Cruz.





Comments