ni Beth Gelena @Bulgary | December 16, 2023
Hindi naka-attend ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa grand presscon ng Metro Manila Filmfest entry ng JG Productions na When I Met You In Tokyo na ginanap sa Crown Plaza, Ortigas nitong nakaraang December 14.
Hindi na nakayanan ng katawang-lupa ni Ate Vi ang sobrang kapaguran kaya nagkasakit ang aktres.
Eh, ang sipag naman kasi talagang mag-promote ng aktres-pulitiko since day one na magsimula silang mag-promote dahil isa sa sampung napili ng MMDA ang pelikula nila ni Boyet de Leon sa official entries sa MMFF 2023.
Ito rin ang comeback movie ni Ate Vi after six years na ipalabas ang Everything About Her na that time ay aktibo pa siya sa pulitika bilang congresswoman ng lone district ng Lipa, Batangas City.
Anyways, wala man si Ate Vi sa grand presscon ay humarap pa rin siya sa entertainment press via Zoom. Abot ang paghingi ng sorry ni Ate Vi dahil nga sa kanyang health condition.
Magkagayunman, sumasagot pa rin siya sa mga katanungan ng press people kahit na ngongo na siya sa pagsasalita.
Professional wise ay hindi matatawaran ang professionalism ng butihing aktres. Hindi niya itinuring na mga kalaban ang siyam pang entries.
Ani Ate Vi, "Hindi po namin itinuturing na kalaban ang iba pang entries ng MMFF.
Nagkataon lang na pare-pareho kaming may entry, pero magkakaibigan po kaming lahat dito.
"Hinihiling ko lang po sana, suportahan natin lahat ng pelikula, pero siyempre, unahin n'yo po ang When I Met You In Tokyo."
Ayon pa sa Star for All Seasons, ipinahinga niya ang sarili dahil sasakay siya sa float ng WIMYIT sa Parade of Stars ngayong Sabado, Dec. 16, na hopefully ay makayanan niya.
Comentarios