top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Video, proud pang idinispley… PACQUIAO, NIYAKAP NG FAN, SOCIAL DISTANCING 'DI NASUNOD

  • BULGAR
  • Oct 15, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 15, 2021



Matapos mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy para tumakbong pangulo sa 2022 national elections, mukhang tahimik lang na gumagalaw at naghahanda ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao para sa nalalapit na kampanya.


Na-curious kami kung bakit tila tahimik ang kampo nito kaya tsinek namin ang official Instagram at Twitter account ni Sen. Manny.


Ang last tweet niya ay nu'ng Oct. 3 pa, na ang nakalagay, "This week, I have been working closely with our grassroots leaders all over the country, recognizing that they are the backbone of my campaign. They are my inspiration. Maraming salamat po sa inyong lahat!"


Sa IG naman ay 3 days ago ang last niyang post, na ang caption ng photo niya habang nasa online meeting ay: "Tuluy-tuloy pa ang ating trabaho sa kabila ng mga kaganapan sa ating kapaligiran. Earlier today, the Senate Finance Committee continued its budget hearings at ang nakasalang po ay ang Department of Social Welfare and Development.


"Kung inyo pong matatandaan, isiniwalat ko ang kaduda-dudang paggamit ng pondo ng DSWD para sa SAP 1 at SAP 2. May hiwaga sa ayuda na naibigay sa Starpay. Hindi katanggap-tanggap na habang nagugutom ang ating mga kababayan ay pinatulog ang pondo sa pribadong bangko at pinag-interesan ang pondo ng bayan.


"At ngayon, humihingi sila ng budget na P191.4B para sa taong 2022. Paano natin ito sasang-ayunan kung magpahanggang ngayon, hindi nila nasasagot ang mga katanungan? Hindi po natin ito palalampasin. We will never allow corruption to go unpunished."

In fairness kay Sen. Manny, mukhang tutok na talaga ngayon sa papasukin niyang bagong hamon.


May ipinost nga rin siya sa kanyang Twitter account na video footage kung saan ipinakita niya ang mainit na suporta sa kanya ng masa niyang fans matapos nilang mag-file ng candidacy ng running mate niyang si dating Manila Mayor Lito Atienza na tumatakbong bise-presidente.


Walang duda naman na kapag talagang lumabas sa mga kalsada si Sen. Manny ay dudumugin siya, tulad nga nu'ng ipinost niya sa kanyang Twitter na video footage kung saan makikitang halos dikit-dikit na ang mga fans niya, kesehodang naka-face mask sila, wala namang social distancing.


Ang worry lang namin, paano kaya kapag nagsimula nang mangampanya si Sen. Manny at hindi mapigilan ang mga fans na dumugin siya, kamayan, halikan at yakapin?


Tulad nga nu'ng nakita namin sa video footage kung saan isang hindi nakapagpigil na babae ang yumakap kay Sen. Manny. Nakalimutan yata ni ate na kailangan ng social distancing dahil may COVID pa.


Well, sana lang, kapag nagsimula na ang kampanya, matiyak ng mga kumakandidato na maging safe pa rin ang mga taong nilalapitan at lumalapit sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page