Uwian kasi at 'di locked-in shooting… MGA ARTISTA AT STAFF NG MOVIE, PASAWAY SA HEALTH PROTOCOL,
- BULGAR
- Mar 23, 2021
- 1 min read
NAGKAHAWAHAN NG COVID
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 23, 2021
BLIND ITEM:
Kaya naman pala nagkahawa-hawa ang mga staff at ilang artistang kasama sa pelikulang natapos nang i-shoot ay dahil hindi sila sumusunod sa health protocols tulad ng locked-in shootings.
Uwian daw kasi ang lahat pagkatapos ng shooting, pero may service naman na maghahatid sa kani-kanilang bahay at ‘yung may sariling sasakyan ay kani-kanyang uwi na.
“Ang kaso, hindi namo-monitor kung may iba pang pinupuntahan ang staff pagkahatid sa bahay nila at gayun din ang mga artista na kani-kanyang alis ng location,” kuwento ng aming source na may alagang artista sa pelikula.
Dagdag pa, “Na-delay nga ang shoot kasi may nag-positive, so, quarantine lahat, kaya nahinto ang shooting.”
Nabanggit sa amin na walang hotel na puwedeng pag-stay-an ng buong staff at artista sa location kaya hindi sila locked-in.
Ang isa sa mga staff ng pelikula ay dalawang beses nang nag-positive sa COVID-19 testing at awa ng Diyos ay gumagaling naman.
Kilala ang direktor ng pelikula, pero ang mga bida ay bilang lang ang kilala dahil karamihan ay baguhan.





Comments