top of page

Usec. Claire Castro, sumisikat sa pakikipagtutsadahan kay VP Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | February 17, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


LAKAS NI ZALDY CO SA KORTE, KASI KAHIT ANG DAMI NIYANG NAKABINBING KASO, 'YUNG HIRIT NIYA ANG BINIGYANG PRAYORIDAD NG SC – Binigyan ng Korte Suprema ng sampung araw ang Office of the Ombudsman at ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang magsumite ng komento sa petisyon ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Sa kanyang petisyon, kinukuwestyon ni Co ang mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y flood control projects scam. Humirit din siya ng temporary restraining order (TRO) upang mapawalang-bisa ang inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Samantala, umani ng pansin ang mabilis na pag-aksyon ng Korte Suprema sa naturang petisyon, lalo’t marami pang nakabinbing kaso sa iba’t ibang hukuman sa bansa. Boom!


XXX


‘PAG KUMANDIDATO SA PAGKA-SENADOR, BAKA MANALO SI USEC. CLAIRE CASTRO KASI NAGIGING POPULAR SIYA SA PAKIKIPAGPATUTSADAHAN KAY VP SARA – Nagiging mas kilala si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Spokesperson Claire Castro dahil sa bawat pahayag niya laban kay Vice President Sara Duterte ay may kaakibat itong tugon mula sa bise presidente.


Kung magpapatuloy ang kanilang palitan ng mga salita, posibleng lalo pang tumaas ang exposure ng Malacañang spokesperson. Sa pulitika, ang madalas na pagkakadikit ng pangalan sa isang mataas at kilalang opisyal ay maaaring magbunga ng mas malawak na pagkilala ng publiko—na maaaring maging bentahe sakaling tumakbo siya bilang senador sa 2028 elections. Period!


XXX


HINDI KATAKA-TAKA NA MAKABILANG ANG ‘PINAS SA MOST CORRUPT COUNTRY KASI ANG NILAGDAAN NI PBBM NA 2025 NATIONAL BUDGET AY TADTAD NG KORUPSIYON – Sa inilabas na datos noong nakaraang linggo ng Transparency International hinggil sa 2025 Corruption Perceptions Index na sumaklaw sa 181 bansa, nanguna ang Denmark bilang may pinakamababang antas ng korupsiyon. Samantala, nasa ika-120 puwesto ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang may mataas na persepsyon ng korupsiyon.

Hin

i na rin umano ito ikinagulat ng ilan, lalo’t iniuugnay ang resulta sa mga isyu sa implementasyon ng 2025 national budget na nilagdaan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kabilang ang mga alegasyon ng ghost, substandard, at hindi natatapos na flood control projects. Boom! 


XXX


TIYAK NAGSISISI NA SI EX-SEN. REVILLA SA PAGSUPORTA KAY PBBM KASI HINDI NA SIYA NAIPANALO NOONG ELEKYON, IPINAKULONG PA – Hindi man niya aminin, malamang ay may pagsisisi si dating senador Bong Revilla sa naging pagsuporta niya noon sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa pakikipag-alyado sa administrasyon nito.


Bukod sa hindi siya pinalad sa 2025 elections, nadawit pa ang kanyang pangalan sa isyu ng flood control projects na humantong sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya at pagkakakulong sa city jail. Isang mabigat na dagok sa kanyang karera sa pulitika. Saklap!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page