top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Ang weird daw… SAYAW NI NADINE, INOKRAY AT PINAGTAWANAN

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
1 min read

ni Lucille Galon @Special Article | October 23, 2026



Todo-explain si Nadine Lustre tungkol sa kanyang pagsasayaw matapos amining ‘super out of shape’ siya ngayon, pero nangakong babawi rin siya soon.

Photo: Nadine Lustre - Zero Studio PH



Todo-explain si Nadine Lustre tungkol sa kanyang pagsasayaw matapos amining ‘super out of shape’ siya ngayon, pero nangakong babawi rin siya soon.


Sa comment sa TikTok post na ibinahagi ng @zerostudioph, hiniling ng aktres sa mga nakapanood na huwag muna siyang masyadong husgahan dahil apektado ang energy niya sa pagsasayaw.


“Sandali lang, masyado n’yo akong jinudge. I’m super out of shape kaya ‘di makahataw. Babawi soon (gray heart emoji),” sey ni Nadine sa TikTok (TT).

Sey ng mga netizens…


“‘Yung maangas dapat, kaso medyo nakakatawa talaga, eh.”

“I think it’s not the choreo but the execution of the dance kasi okay naman ang dance tingnan sa mga katabi n’yang dancers.”


“Kung sino man ang nag-choreo nito, mag-resign ka na, please. Hahaha! Mabubunot ang President Nadine talaga this month.”


“‘Di ko gets, okay naman s’yang sumayaw. Ang angas ngang tingnan, pero bakit ang daming pumupuna?”


“I love Nadine, but her facial expression and her dancing are too weird.”


Gayunman, hindi nagbigay si Nadine ng detalye kung kailan siya muling hahataw o kung may partikular siyang performance na paghahandaan. 


Sa isa pa niyang comment, ibinaling naman niya ang atensiyon ng mga netizens sa kanyang bagong music video (MV) nang hikayatin silang panoorin sa YouTube ang DONUTS.


“Please watch DONUTS MV sa YT para makita n’yo ‘yung full fantasy. Love you,” aniya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page