US, sinindihan ang mitsa ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig
- BULGAR
- 6 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | June 23, 2025

Binomba na ng US ang 3 nuclear sites ng Iran.
Sinindihan na ang mitsa ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.
---$$$--
KINUMPIRMA ni US President Donald Trump ang panggigiyera sa Iran sa kanyang social media account.
Inilalarawan ni Trump ang pambobomba bilang matagumpay.
Kumbaga sa naetsas: “SUCCESS”!
-----$$$--
HINDI agad nakapaglabas ng reaksyon ang Iran sa international media.
Pero, inaasahang reresbak ang Iran sa pambobomba ng mga military bases ng US sa Middle East.
----$$$--
KUNG ginamit ng US ang bunker-busted bomba, ibig bang sabihin — ay hindi na gagamit ng nuclear bomb?
Sana nga!
-----$$$--
NAGDESISYON si Trump nang walang pagpapatibay ang US Congress gayung walang panganib sa seguridad ng US.
Isang malaking debate ito.
------$$$--
TOTODO ang presyo ng petrolyo sa linggong ito.
Sakaling magkagulo sa Middle East, apektado ang dollar remittances papasok sa Pilipinas.
Sa 2 aspektong iyan, guguho ang ekonomiya ng bansa.
-----$$$--
SA ulat kamakailan, kinumpirma ng Bangko Sentral, ilang buwan nang may deficit ang bansa sa pangangailangan ng dolyar.
Ibig sabihin, mababawasan nang malaki ang dollar reserves sa mga susunod na buwan hanggang Disyembre.
-----$$$--
IMBES na asikasuhin ang dispalinghadong ekonomiya, ang pagpapabagsak sa pamilya Duterte ang tinatrabaho ng mga pulitiko.
Isang malaking kapalpakan!
-----$$$--
SA pinakahuling ulat sa mga YouTube channel, kinumpirma na ng Iran ang pambobomba ng US sa kanilang nuclear plant.
Nakakanerbiyos ang mga susunod na eksena.
---$$$--
MAY mga nagsasabing malabo nang matuloy ang impeachment trial kay VP Sara.
Ito ay dahil sa blunder ng mga kongresista.
-----$$$--
DAPAT nang manahimik ang mga mambabatas at ipokus ang aksyon at pagkilos kung paano sasaklolohan ang ordinaryong mamamayan.
Kaawa-awa ang ordinaryong negosyante at mga konsyumer.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comments