top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B

US, inaprubahan ang pagbebenta ng 500 patriot missiles sa Ukraine

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Info @Overseas News | October 31, 2026



US, inaprubahan ang pagbebenta ng 500 patriot missiles sa Ukraine

Photo: File



Inaprubahan ng Estados Unidos ang pagbebenta ng 500 Patriot missiles sa Ukraine bilang panangga laban sa mga aerial attack ng Russia.


Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, makatutulong ang mga naturang armas sa depensa ng kanilang bansa. Gayunman, maaaring ilang taon pa ang lumipas bago maipadala ang mga ito sa Ukraine.


Ayon sa US State Department, nagkakahalaga ng $2.1 bilyon ang mga PAC-3 interceptor missile. Europe at Canada naman ang inaasahang sasagot sa gastusin bilang bahagi ng suporta ng mga kaalyado ng Ukraine.


Nanawagan si Zelensky na agarang ipadala ang mga Patriot missile dahil ang mga ito ang inaasahan ng Ukraine na makapipigil sa mga pag-atake ng Russia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page