Pero madir pa rin ang priority… BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 31, 2026

Photo: FB Bimby Aquino
Bunso ni Kris, nagpakatotoo na…
BIMBY, MAS GUSTONG MAGING PULITIKO KESA MAG-SHOWBIZ
“My wife will be the love of my life, but you (Kris) will always be the love of my universe,” pahayag ni Bimby Aquino sa kanyang mother dearest na si Kris Aquino nang mag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam ay napag-usapan ang love life ng bunsong anak ng Queen of All Media at kung gaano kahalaga sa kanya ang approval ng kanyang ina pagdating sa magiging girlfriend.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Are you single?”
“Single,” sagot ni Bimby.
“Ikaw ba’y nanliligaw ngayon? Nagka-girlfriend ka na ba, Bimb?” dagdag na tanong ni Boy.
“No, not yet,” sagot ni Bimby.
“Pero ‘di ba, may nililigawan ka na nu’n? Or may nanliligaw ba sa ‘yo? Or Mom was boto with someone?” hirit ni Boy.
“Oh, she was boto with a lot. But they were just friends na my mom would want, would have wanted me to date, but it just never progressed,” ani Bimby.
Mahalaga rin kay Bimby ang pagsang-ayon ng kanyang inang si Kris sa babaeng kanyang magiging karelasyon.
“First most of importance,” mabilis na sagot ni Bimby nang tanungin kung gaano kahalaga ang approval ng kanyang ina sa magiging girlfriend.
“If my mom doesn’t like her, eh, I always promised my mom, Ninong Boy, that my wife will be the love of my life, but you (Kris) will always be the love of my universe,” dagdag niya.
Well, gusto naman ni Kris na ang magiging misis ni Bimby ang maging number one sa buhay ng anak balang-araw.
“No, I don’t like kasi I’ll be dead naman, eh. So, dapat, your wife should be number one,” sey ni Kris.
“But you have to give it to him naman, Krissy,” ani Boy.
“No, Boy. Ako, what I always say is that I really want him to know na kailangan, una ang misis because she has to know and be very secure na love na love ni Bimb para she’ll be such a good mom,” paliwanag ni Kris.
“Alam mo, while you’re talking, I want to cry. Because this is not you. No, really. But you’ve become this, you know, and I’m just so proud,” komento ng King of Talk.
Natanong din si Bimby kung naiisip na ba niyang mag-asawa nang maaga.
“So there is a possibility that you would marry early?” tanong ni Boy.
“I want to marry early. Mid to late 20s, but I’m preferring mid,” sagot ni Bimby.
“I might not be around. We’re being realistic,” sey ni Kris.
“Not just that, Mom, but if you like the girl, and well, I want you to walk me down the aisle, with you, Ninong,” ani Bimby.
Samantala, gusto ni Kris na bumukod si Bimby at ang magiging asawa nito.
“I don’t want to live with them,” sey ni Kris.
“Ah, you won’t?” tanong ni Bimby.
“Ayoko, ‘noh! Because, if I live with you, I’ll still be paying the bills,” pabirong sagot ni Kris.
“I will,” pabirong sey naman ni Boy.
“Basta gusto ko lang na ano, I hope that I get along with the family of the girl... And I hope she will love Bimb for all the right reasons,” sey ni Kris.
Bukod sa love life, napag-usapan din sa panayam ang posibilidad na pasukin ni Bimby ang showbiz o pulitika sa hinaharap.
Tanong ni Boy, “Bimb, there are two industries: show business and politics. What are your thoughts? Showbiz ba or magme-mayor ka ba?
Maggo-gobernador ka ba sa tamang edad? What’s gonna happen?”
“I have to be honest, Ninong Boy. A big part of my heart is really leaning towards public service, because you know naman, Ninong, my mom has always taught me and everyone in our family, it’s a very big sacrifice also and you really have to think about it carefully... It’s a very big responsibility because you hold the keys to everyone,” sagot ni Bimby.
Well, why not, coconut? In fairness, mabait na, matalino pa si Bimby, ‘di ba naman, madlang people?
Sa 13th anniv…
NADINE AT MISTER, NAG-RENEW NG VOWS
LOVE overload ang naging kaganapan sa intimate renewal of wedding vows ng aktres na si Nadine Samonte at ng kanyang asawang businessman na si Richard Chua, nag-iisang anak ng aktres na si Isabel Rivas.
Ginanap ang seremonya sa Tagaytay noong Miyerkules, October 28, bilang pagdiriwang ng kanilang ika-13 anibersaryo.
Matatandaang ikinasal sina Nadine at Richard noong October 2013 sa isang pribadong seremonya sa farm ng ina ni Richard na si Isabel sa Iba, Zambales.
Kasama ng mag-asawa sa kanilang espesyal na araw ang tatlo nilang anak na sina Heather, 10; Titus, 7; at Harmony, 4, gayundin ang kanilang malalapit na kaanak at kaibigan.
Kabilang sa mga dumalo ang pinsan ni Richard na si Marco Gumabao, pati ang mga personalidad sa showbiz na sina Lorna Tolentino at Cory Quirino. Siyempre, present din ang ina ni Richard na si Isabel Rivas.
Congratulations kina Richard at Nadine sa kanilang 13 years of love and marriage.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments