top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Habang nagmimisa at naka-livestream pa... Pari nabagsakan ng krus, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mai Ancheta @Overseas News | October 20, 2026



Pari sa Ecuador nabagsakan - Circulated SS

Photo: Circulated



Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang paring Katoliko matapos mabagsakan ng malaking krus habang nagmimisa noong Sabado, Oktubre 17, sa Guayaquil, Ecuador.


Hindi na umabot sa pagamutan si Father Patricio Alfredo Sanchez Molinari sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at likod matapos tamaan ng malaking krus na kahoy.


Nakunan sa livestream ang malagim na insidente dahil naka-live ang misa nito sa Church of Our Lady of Perpetual Help.


Lumitaw sa imbestigasyon na lumuwag umano ang pako ng krus na nakakabit sa altar kaya nahulog.


Ilan sa mga nagsisimba ang tumawag ng ambulansya at dinala ang pari sa pagamutan subalit hindi pinalad na makaligtas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page