Drone attack sa Saudi Arabia, Pinoy dedbol

ni Jeff Tumbado @News | October 23, 2026

Photo: Drone attack sa Saudi Arabia sa Shaybah oil field sa Eastern Province - Circulated
Isang Pilipinong manggagawa ang iniulat na nasawi sa drone attack sa malawak na oil field sa Saudi Arabia.
Ayon sa Ministry of Energy ng Saudi Arabia, dalawang katao ang nasawi at dalawa pa ang sugatan sa drone strike na tumama sa Shaybah oil field sa Eastern Province.
Kabilang sa mga nasawi ang isang Pilipino at isang Nepali, habang isang Pakistani at isang Indian naman ang nasugatan dahil sa mga debris na bumagsak matapos ma-intercept ang drone, ayon sa hindi pinangalanang source.
Nasunog din ang isang sasakyan na pag-aari ng isang kontratista sa insidente.
Samantala, sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bineberipika pa ang ulat tungkol sa pagkamatay ng Pilipino, katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Embahada ng Pilipinas sa Riyadh.





Comments