Trump, bibisita sa 'Pinas

ni Mylene Alfonso @News | October 15, 2026

Photo: Donald J. Trump - FB
Kinumpirma ng Malacañang ang nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18.
“It is confirmed, pero iyong details, siguro hindi po sa akin manggagaling,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
Wala pang inilalabas na eksaktong petsa ng pagdating ni Trump, na huling bumisita sa bansa noong 2017.
Idaraos ang ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, at idineklara nang special non-working days ang Nobyembre 16 hanggang 18.





Comments